Chapter 07

11.1K 454 25
                                    

PALIHIM na pinagmasdan ni Anria si Sanji habang abala ito sa pagbabasa ng libro na may kinalaman sa Math. Kahit iiwas niya ang tingin dito para naman itong may magnet kaya hindi niya maiwasang palihim itong sulyapan. May suot kasing reading glass si Sanji. Maliit lang ang lente niyon. Kahit nakasuot ito ng salamin sa mata ay hindi man lang niyon nabawasan ang angkin nitong kaguwapuhan. Tipong mas lumakas pa nga lalo ang dating nito.

Pero makalipas ang ilan pang sandali ay napagdesisyunan muna niyang tumayo dahil baka magmukha siyang ewan habang nakaupo sa tapat nito. Nang makatayo ay lumapit siya sa helera ng mga libro. Dalawang wall halos ang punong-puno ng libro.

Naagaw ang pansin niya ng isang sikat na libro. English novel iyon. Umangat ang kamay niya at kinuha iyon. Napakunot noo siya.

"Nagbabasa siya nito?"

Biglang may kamay na humablot sa libro. Nalingunan niya si Sanji.

"Hindi ko pa ito nababasa," depensa nito habang hawak ang libro ng Fifty Shades Of Grey ni E.L. James. Malapit na rin iyong maging movie. "Regalo lang ito. May dalawa pa nga diyan 'yung Freed at Dark."

Nag-cross arm siya. "Hindi mo naman kailangang ma-guilty kung nagbabasa ka niyan." Naiiling na tinalikuran niya ito. Siya nga gusto niyang mabasa iyon ang kaso ay wala pang kopya sa lugar nila kaya hindi niya mabasa-basa.

"Ang kulit sinabi na ngang hindi ko pa nga nababasa. Kung gusto mo sa iyo na lang kung mahilig kang magbasa. Sa iyo na 'yung tatlo kong copy."

Sa sinabi nito ay bigla siyang napaharap dito. Hindi niya maiwasang mapangiti. "Talaga? Wala ng bawian, ha?"

Natulala saglit si Sanji sa naging reaksiyon niya dahil ngumiti siya dito sa unang pagkakataon. Mabilis din naman itong nakabawi. Pumalatak pa ito.

"Gusto mo talaga?" Paninigurado nito.

"Oo. Bakit? Wala namang masama na basahin iyan. At saka mahal ito kaya suwerte ko dahil for free ko siyang makukuha."

"Sigurado kang gusto mong basahin 'yan? Masyadong pang-matured ang kuwento niyan."

Nagkibit balikat siya bago kinuha ang libro dito. Pati na 'yung nasa shelves na dalawa pa. Five hundred plus din ang isa niyon kaya sobrang makakatipid siya lalo na at libre pa 'yung tatlong copy mula kay Sanji. Remembrance na rin.

"Open minded naman ako. Saka nabasa ko sa internet 'yung plot, ang ganda nang takbo ng story. Hindi naman por que magbasa ka nito, eh, pervert na agad. 'Di ba nga magiging movie na ito next year."

"Updated," naiiling na bumalik na ito sa may couch. "Bahala ka. Sa iyo na 'yan."

"Thank you dito sa libro. Itatabi ko lang sa bag ko."

"Sa bahay niyo na 'yan basahin. 'Wag dito," ani Sanji habang ang mga mata ay nakatutok muli sa libro na binabasa nito kanina.

As if naman gagapangin niya ito kapag nabasa niya iyon? Napairap tuloy siya. Hindi naman niya susundin ito. Dahil mamayang gabi pa lang ay sisimulan na niya iyong basahin. Lihim siyang napangiti.

"Christian and Ana wait for me," ngiting-ngiti pa niyang sabi pagkatabi ng libro sa may bag niya.

Kahit paano napangiti siya ng dahil kay Sanji. Salamat sa mga libro nito. Bumalik din agad siya sa silid nito. As her duty dapat palagi siyang nasa lugar kung nasaan si Sanji. Maliban na lang kung pupunta itong banyo.

Pagbalik niya sa silid ni Sanji ay naabutan pa rin niya ito na nagbabasa ng libro. May pagka-addict din talaga ito sa mga libro. Iyon nga lang puro tungkol sa pag-aaral.

Muli siyang naupo sa inuupuan kanina. Ngayon lantaran na niyang pinagmasdan si Sanji. Napatingin tuloy ito sa kanya.

"Bakit?"

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon