Chapter 10

10.8K 404 8
                                    

HINDI pinansin ni Anria ang pagtawag sa kanya ni Sanji mula sa may kuwadra ng mga baka kung saan ito sumunod na pumunta para i-check ang mga Jersey cow na kinukuhanan ng mga ito ng gatas na ginagawang puting keso. Natutuwa kasi siyang pagmasdan ang mga naghelerang wild flower. Hindi niya alam kung ano ba ang tawag sa mga iyon.

“Anria, kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ba naririnig o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang?”

Wala ng nagawa si Anria kundi ang harapin si Sanji na nilapitan na siya roon. “Masyado lang akong nawili sa magagandang wild flowers na nandito. May kailangan ka ba?”

He sigh. “I've change my mind. Ipapahatid na kita sa bahay. Kami na lang dito.”

Hindi niya alam pero ganoon na lang ang pag-iling niya. “Ayoko. ‘Di ba nga duty ko na bantayan ka. Saka ikaw na rin naman ang nagsabi na kung nasaan ka, dapat nandoon din ako.” Dagli ang pag-iwas niya ng tingin ng masalubong ang magaganda nitong mga mata. Animo tinutunaw siya ng mga titig nitong iyon.

“Kaya ko ang sarili ko, Anria.”

“Okay. Kaya mo ang sarili mo pero babalik lang ako sa mansiyon ninyo kapag babalik ka na rin. No more buts.” Tinalikuran na niya ito at muling kinutingting ang kulay violet na wild flower sa damuhan.

Napakislot siya ng hilahin siya nito sa kamay patayo.

“Kung ayaw mong umuwi puwes ‘wag kang pakalat-kalat dito sa labas. Mamaya nasa paligid lang pala ‘yung dahilan kung bakit namatay at nawala ang ibang mga manok. Mind you Anria na kung ahas nga ang may gawa niyon ay kayang-kaya ka ring kainin noon. Payat ka pa naman."

Naningkit ang mga mata niya sa huli nitong sinabi. Pati ba naman pagiging payat niya ay ipagdidiinan pa nito?

“Fine, Sanji Marquez. Ikaw na ang malaman ang katawan,” binawi niya ang kamay at tinabig pa ito ng dumaan siya sa tabi nito.

Nanatili lang siya sa may labas ng kuwadra habang ang mga tauhan ng hacienda ay mga abala. Si Sanji naging abala rin sa pagmamando. Hindi naman ito puwedeng tumulong sa mabibigat na gawain dahil sa kondisyon nito.

May isang binatilyo pa ang nagbigay sa kanya ng mono block na upuan. May kalumaan na nga lang.

“Maupo po muna kayo rito. Mangangalay po kayo sa pagtayo,” nakangiti pa nitong sabi.

“Marami pong salamat.”

Napaka-hospitable talaga ng mga tao sa Hacienda Marquez. Kumpara sa ginagalawang mundo ng kanyang pamilya hindi mo alam kung sino ang totoo sa mga taong nakakasalamuha niya. Marami kasing peke ang pag-uugali. Unlike sa mga tao sa lugar na iyon. Mababait at maayos ding makisama kaya si Sanji mismo ay hindi kakakitaan ng pag-aalinlangan sa mga taong naroroon. Wala sa hitsura nito ang pang-uuri sa mga tauhan nito. Maayos nitong pinakikisamahan ang mga tao. Mukhang okay naman ang pagpapalaki kay Sanji ng mga magulang nito. Marunong makisama sa mga taong malayo sa level ng pamilya nito.

Namumukod tangi rin si Sanji habang nakikihalubilo sa mga tauhan nito. Bukod kasi sa matangkad at maputi ay agaw atensiyon din ang nakakasilaw nitong kaguwapuhan. Nag-iwas siya ng tingin ng mapatingin ito sa kanya.

Makalipas ang ilan pang sandali ay lumapit si Sanji sa kanyang kinaroroonan. May gatla-gatla pang pawis sa noo at sa may gilid ng mukha nito. Tumayo siya at iminuwestra dito ang bangko para maupo ito.

“Upo muna,” sabi pa niya rito. Umupo rin naman ito. “Pawisan ka pa ng lagay na iyan, ha? Eh, puro utos lang naman ang ginagawa mo.”

“Mainit,” maikli nitong sagot.

“Hiyang ka kasi sa aircon,” kaswal niyang sabi.

“You think so? Hindi ba puwedeng dahil sa direct sun light?”

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now