Chapter 28

10.6K 383 25
                                    

DIS-ORAS na ng gabi ngunit gising na gising pa rin si Anria. Hindi siya magawang patulugin ng nangyari kanina sa tree house. Maraming, what if? What if, natuloy iyon? Ano'ng kasunod na mangyayari?

Alam niya okay sila ngayon ni Sanji. Mas okay pa nga kumpara noon dahil animo boyfriend niya ito kung asikasuhin siya kanina. Panay pa ang ngiti nito na bagay lang sa guwapo nitong mukha.

Napabuntong-hininga siya. "What if, Sanji?"

Umupo siya mula sa pagkakahiga. Balak sana niyang pumunta sa CR ng bigla namang bumukas ang pintuan. Napahawak pa siya sa kanyang bibig dahil sa pagkabigla.

"Ako lang ito," ani Sanji na nangingiting pumasok sa loob ng silid. Hindi nito isinara ang pintuan kaya alam niya na hindi ito magtatagal.

"Bakit gising ka pa?" aniya.

"Can't sleep. Ikaw rin?" Balik tanong nito.

Marahan siyang tumango. "Namamahay siguro."

Napangiti ito. "Really?" Hindi kumbinsido nitong sabi kaya napairap siya. "Tara muna sa may garden magpapaantok." Inilahad pa nito ang kamay nito sa harap niya.

Ilang sandali niya iyong pinagmasdan bago iyon tinanggap. Hindi rin naman siya makakatulog kaya mas mainam pa na sumama siya rito. Okay na naman ang kanyang paa na hinilot mismo ni Sanji kanina ng dumating sila sa mansiyon galing sa tree house nito.

Nang makarating sila sa garden na tinutukoy nito ay napatawa pa siya ng makita ang nakalatag na blanket sa damuhan. Hindi ganoon kaliwanag sa lugar kaya kitang-kita ang mga bituin sa kalangitan.

"Bakit may blanket pa?"

"Stargazing ayaw mo?" Nakangisi nitong sabi.

Naroon din ang gitara nito. Todo alalay pa ito sa kanyang pag-upo sa blanket. Hinayaan lang niya iyon. Masarap kasi sa pakiramdam na inaasikaso nito.

"Wala ba tayong food trip dito?"

"Takaw mo talaga," naiiling nitong sabi bago muling tumayo. "Stay here. Kukuha lang ako ng puwedeng kainin sa loob."

Napangiti siya ng mapag-isa. Malamig ang hanging dumadapyo sa kanyang balat. Buwan na kasi ng Disyembre kaya ganoon ang panahon.

Nang makabalik si Sanji ay hindi lang pagkain ang dala nito. May extra blanket pa itong dala at dalawang sumbrelo.

"Baka sipunin ka dahil sa hamog kaya ibalabal mo 'yan sa iyo. Suutin mo rin itong cap."

Tinanggap niya ang ibinigay nito at isinuot ang sumbrelo sa ulo niya. Nang makaupo rin si Sanji ay siya pa ang nagsuot ng sumbrelo dito kaya napatitig ito sa kanya.

Kiming napangiti siya bago nag-iwas ng tingin.

"Thanks," anito. Tumikhim ito at kinuha ang gitara. Nag-strum ito ng ilang ulit. Hanggang sa itigil nito ang ginagawa at pinagmasdan siya. He sigh. "Anria."

Sinubukan niyang salubungin ang titig nito. Kumabog na naman ng mabilis ang kanyang puso. "Bakit?"

"'Yung kanina..."

Umiling siya. "Tama na. A-Ayokong pag-usapan." Nagbaba siya ng tingin. "Kung gusto mong hindi ako mailang sa iyo kapag nasa paligid kita. 'Wag mo ng ungkatin pa iyon. A-Ang awkward kasi."

Kinuha nito ang isa niyang kamay at hinawakan ng mahigpit. "Okay. Just stay with me."

Napalunok siya. Ang puso niya kabog ng kabog. Parang gusto niyang huminga ng pagkalalim-lalim dahil pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng hangin sa baga dahil sa sinabi nito. Kanina pa ito sweet. Nakakainis. Hindi niya mapigilan ang sariling magsaya na parang baliw sa kanyang isipan.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now