Chapter 08

10.6K 435 18
                                    

ILANG ARAW na ang lumipas ngunit iwas pa rin si Sanji kay Anria. Simula iyon ng akalain nito na nawawala siya. Malay ba niya na iisipin nito na kung saan na siya pumunta. Puwede namang tingnan muna siya nito sa may veranda ngunit hindi naman nito ginawa.

Maging ang silid ni Sanji ay palagi na ring naka-lock kaya hindi siya makapasok.

"Bahala na nga siya sa buhay niya," anas pa niya.

Matapos niyang sulyapan ang pinto ng silid ni Sanji ay pumasok na rin siya sa kanyang silid. Katatapos lang niyang kumain at handa na para matulog. Pero naagaw na naman ng Fifty Shades of Grey ang atensiyon niya kaya kinuha niya iyon sa ilalim ng kanyang unan para muling basahin. Pagpupuyatan niya iyong basahin para matapos na.

Pasado alas-kuwatro na ng madaling araw siya nakatulog kaya naman kahit ano'ng gising kay Anria ng gumigising sa kanya ay hindi agad siya magising.

Nagsalubong pa ang kilay ni Sanji ng makita sa tabi niya ang libro ng Fifty Shades Of Grey.

"Pinagpuyatan talaga," sabi pa nito bago muling niyugyog ang balikat niya. "Gising na may pupuntahan tayo!"

Umungol lang si Anria bago muling namaluktot at nagtaklob ng comforter. Wala pa siya sa wisyo at talagang namimigat pa rin ang talukap ng kanyang mga mata.

"Gising sabi."

"Ano ba?!" angil niya.

"Ayaw mo talagang bumangon diyan? Puwes let us see kung 'di ka pa nito gigising."

Tinanggal ni Sanji ang comforter sa may ulo niya at pinisil ang ilong niya. Sa puntong iyon ay tuluyan ng nagising ang bawat himaymay sa katawan ni Anria. Hindi siya makahinga!

Tumayo na ng tuwid si Sanji ng tuluyan na siyang magmulat. Sisinghap-singhap pa siya dahil sa ginawa nito.

"Umagang-umaga kung ano-ano'ng ginagawa mo. Papatayin mo ba ako, huh?!" She yelled at him. Nakakainis naman kasi umagang-umaga ang pam-bu-buwisit nito. Hindi pa naman siya sanay na nabibitin sa tulog. Nang sulyapan niya ang oras sa alarm clock na nasa bedside table ay wala pang ala sais y media ng umaga. Napaungol pa siya. Sobrang inaantok pa siya.

"Sinabihan kita na sa bahay niyo na basahin ang Fifty Shades Of Grey na iyan tapos pagpupuyatan mo pa kagabi? Kaya ngayon hindi ka magising? Ano'ng oras ka natulog?"

Past four na siya natulog kanina kaya naman wala pang tatlong oras ang tulog niya. Two hours pa lang to be exact. Ang bigat-bigat pa rin ng mga mata niya at gusto pa niyang matulog.

"Past four. Sa wala akong magawa kaya binasa ko na lang 'yung novel. Ano ba'ng kailangan mo? 'Di ba, alas otso pa ang trabaho ko sa iyo? Kaya tutulog muna uli ako. Mamaya na lang tayo mag-usap."

Akmang babalik siya sa pagkakahiga ng pigilan siya sa braso ni Sanji.

"No! Magbihis ka na at may pupuntahan tayo ngayon. Magdali ka na. Maligo ka na rin para mawala iyang antok mo."

Sa puntong iyon ay saka lang niya napagmasdan si Sanji. Fresh from the bath na ito. Humahalimuyak din ang gamit nitong pabango which is nanunuot ngayon sa kanyang ilong. Habang siya mukha yatang Zombie dahil sa puyat.

Kumibot ang labi niya. Senyales na tinatamad pa siya. "Puwedeng after one hour?" Hirit pa niya dahil tamad pa ang pakiramdam niya na kumilos.

"Bumangon ka na at hindi tayo puwedeng abutin ng tanghali. Panindigan mo iyang pagpupuyat mo," anito na hinila na siya hanggang sa may pinto ng banyo. He even opened the door at bahagya pa siyang itinulak papasok sa loob niyon. "Ten minutes to fix your self, Anria," bilin pa ni Sanji bago nito isinara ang pinto ng banyo.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now