Chapter 20

10.7K 436 24
                                    

IYON ang huling araw ni Anria sa Hacienda Marquez. Dahil kinabukasan araw ng linggo ay babalik na siya sa kanila. Sa loob lang ng maigsing panahon ay napamahal na rin sa kanya ang buong lugar. Sana lang makabalik uli siya roon. Kung sakali man. Nagpapasalamat din siya dahil nagkaroon siya ng chance na ma-experience ang mga bagay na bago sa kanya. Siguro experience na ring maituturing ang mga kapalpakang nangyari sa kanya sa pamamalagi roon. But on the bright side ay masaya talaga siya. Masaya kasing mamuhay sa hacienda nina Sanji. Payapa, tahimik, maaliwalas ang hangin at presko ang paligid. Marami kasing punong kahoy.

Pinagmasdan niya si Sanji na abala sa panonood sa kabayo nitong nililiguan ni Mang Gaspar.

Tumikhim siya sa tabi ni Sanji kaya napasulyap ito sa kanya. Gusto niyang mapamaang ng umisod ito palayo sa kanya. Problema nito? Nagngitngit tuloy ang kanyang isipan. Don't tell me issue pa rin niya 'yung pagkakayakap ko sa katawan niyang naka-topless kahapon? Hindi ko naman 'yon intensiyon.

"Problema mo?" Naisatinig niya na taas pa ang isang kilay.

Muli nitong binalingan ang kabayong si Far Away. "Wala."

"Sus. Wala raw." Nanghaba tuloy ang nguso niya. Bumuntong-hininga siya bago ito tinalikuran at nagsimulang maglakad palayo rito para sana bumalik na lang sa mansiyon.

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na."

Naramdaman niya ang pagpigil ni Sanji sa kamay niya. Hinarap niya ito. 'Yung tipong para pa itong napapaso ng bitawan ang kanyang kamay.

"Anong uuwi na? Bukas ka pa babalik sa bahay niyo, ah."

Gusto niyang tumawa, pinigilan lang niya dahil siguradong magagalit ito. Napaka-OA talaga nito kahit na kailan.

"Bukas—"

"Dito ka lang muna." Putol pa nito sa iba pa niyang sasabihin at muli siyang hinila pabalik kay Far Away. "Hindi ka aalis hanggat hindi ko sinasabi. Uuwi ka agad sa bahay niyo? Ano ka sinu-suwerte?"

Napailing siya sa isip at nanahimik na lang siya habang nakatayo sa tabi nito. Hindi na rin niya itinama ang mali nitong sapantaha sa sinabi niya. Bahala ito.

Nang matapos liguan at patuyuin ang kabayo ni Sanji ay nilapitan nito iyon. Kinausap si Mang Gaspar na hindi naman niya marinig dahil mahina lang ang pag-uusap ng mga ito. Mayamaya pa ay ibinigay na ni Mang Gaspar ang renda ng kabayo kay Sanji.

"Aalis ka?" Hindi niya napigilang itanong ng sulyapan siya nito.

"Tayo."

"Ha?" Baka kasi nakaringgan lang niya ang sinabi nito.

"Mamamasyal ayaw mo?"

Silang dalawa mamamasyal uli? "Sigurado ka? Mamamasyal uli tayo?"

"Oo nga. Ang kulit. Ikaw muna ang sumakay. Sa likuran mo na lang ako."

Itinago niya ang munting ngiti na nagpipilit kumawala sa kanyang mga labi. Change position para maiba? Ipinagkibit balikat na lang niya iyon bago lumapit kay Sanji. Inalalayan siya nitong sumakay. Nang makasakay siya ay agad na rin itong sumakay sa likuran niya.

Napapikit siya ng maramdaman ang init ng katawan nito mula sa kanyang likuran. Kakaiba ang pakiramdam na iyon. Nang magsimulang maglakad ang kabayo nito ay saka lang siya napakagat labi dahil hindi maiwasang magdait ang kanilang mga katawan. Parusa pa sigurong matatawag ng pumwesto ang kamay ni Sanji sa kanyang tagiliran habang hawak nito ang renda ng kabayo nito. Agad gumapang ang kilabot sa buo niyang katawan. Napalunok tuloy siya.

Bakit kailangan niyang maramdaman iyon? Naiilang tuloy siyang lalo.

"Hindi ka ba nahihirapan? Dapat diyan na lang ako sa likuran at ikaw dito sa harapan," hindi niya naiwasang sabihin.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now