Chapter 34

8.5K 356 22
                                    

NATIGILAN si Anria ng mahawakan ang kanyang cellphone na walang tigil sa pagtunog. Mommy niya ang tumatawag. Agad niya iyong sinagot. Babatiin sana niya ito ng mauna itong magsalita.

"Totoo ba, Anria?"

That voice of her mother. Ginagamit lang nito ang tonong iyon kapag may nagawa siyang hindi nito nagustuhan. Lalo na kapag tinawag siya nito sa buo niyang pangalan. Nakaramdam siya ng kaba.

"M-Mommy—"

"Nakarating dito sa amin ng daddy mo ang pinaggagagawa mo riyan sa Pilipinas."

Napasandal siya sa wall ng kanyang kuwarto sa narinig. Tungkol kaya sa kanila ni Sanji ang tinutukoy nito? Napapikit siya ng mariin. Pakiramdam niya ay may malaking bikig sa kanyang lalamunan. She can't talk or even say something para i-defend ang sarili mula sa ina.

"Pumayag kami ng Daddy mo na mag-stay ka diyan sa Pilipinas dahil 'yon ang gusto mo at ipinipilit mo. A life in Philippines na gusto mong maranasan. Pero ano itong makakarating na balita sa amin, lalo na sa akin, na nagpapaka-simple ka diyan? You shouldn't act like that. It's not you and you know that. At ng dahil doon kinakaya-kayanan ka ng mga kapwa mo edtudyante. Ni hindi nga kita pinadadapuan sa lamok tapos makakarating sa akin na may mga umaaway sa iyo diyan?"

Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag sa nalaman. "M-Mommy, I can explain."

"No. I don't need your explanation. Tinatapos ko na rin ang pananatili mo diyan sa Pilipinas. One week from now, uuwi ka na rito kasama ng lolo at lola mo."

Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. "Pero mommy hindi pa naman tapos ang school year. 'Di ba, po hanggang mid of April pa ako dito. Mommy—"

"That's enough. Napagbigyan ka na namin ng daddy mo. I'll send the plane ticket on your email."

"I'm sorry, Mommy. M-Magpapaliwanag po ako," pakiusap niya.

"No need," anang mommy niya bago nag-bussy tone ang kabilang linya.

Para siyang nauupos na kandila ng maupo sa sahig. Tulala at hindi makapaniwala sa narinig mula sa kanyang ina. Ano'ng gagawin niya? Pinauuwi na siya sa London. Parang sasabog ang dibdib niya sa nalaman. Nakagat niya ng mariin ang ibabang labi ng mag-umpisang maglandasan ang luha sa kanyang pisngi. Hinayaan niya iyon.

"One week?" Mapait siyang napangiti.

Kakauwi pa lang nina Sanji by that time galing Japan. Kakaalis lang ng mga ito kahapon. Tapos ito ang mangyayari ngayon, uuwi na siya sa London. Parang ang sarap magwala. 'Yung akala niya na may ilang buwan pa siyang mananatili sa bansa ay isang malaking akala na lang. Karma ba ito dahil hindi siya nagpakatotoo sa lahat ng tao lalo na kay Sanji? Maging sa binata kasi ay hindi pa niya nasasabi kung saang pamilya siya kabilang. Ang tanging alam lang nito ay tanging lolo at lola lang niya ang kasama niya sa buhay. Na simple lang silang mamamayan ng San Rafael. Ano'ng mangyayari sa one week na iyon? Kung kailan magpa-pasko ay saka naman nalaman ng mga magulang niya ang pagpapanggap niya na simpleng tao lang. Bukod sa dalawang matalik niyang kaibigan sa Mary Academy ay wala ng ibang nakakaalam ng bagay na iyon.

Ngayon pa lamang ay parang hindi na niya kakayanin pa na manatili sa London. Dito sa Pilipinas mas at home siya. Sigurado siya na once na nasa London na siya at muling mananatili sa marangya nilang mansiyon ay limitado na ang lahat sa kanya.

Magdamag siyang walang ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak. Kahit ang kumain ng hapunan ay hindi niya nagawa.


A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now