Chapter 11

10.3K 408 16
                                    

"AAKYAT ka ba dito o hindi?"


Hindi alam ni Anria kung tatanggapin ba niya ang nakalahad na kamay ni Sanji o hindi. But in the end, she found herself reaching for his hand.


Nang tuluyang din siyang makaakyat sa malaking bato ay ganoon na lang lalo ang paghanga niya sa naturang lugar. Mas maganda kasi ang view sa itaas ng bato kaysa kapag nasa lupa siya.


"Ang ganda rito."


"Yeah. Pero may mas maganda pa rito. Malapit sa bahy, naroon ang pinaka-waterfall na pinagmumulan ng tubig dito sa ilog. Sa ibang araw puwede tayong pumunta doon."


Tayo, ulit ng kanyang isipan. Ngayon pa lang ay hindi na siya makapaghintay na makita iyon ng personal. She really love the nature kaya excited na siyang makarating sa tinutukoy nitong lugar. Palibhasa nasa may bayan ang kanilang bahay kaya wala masyadong nature na nakikita ang kanyang mga mata kaya ganoon na lang ang paghanga niya sa Hacienda Marquez. Sobrang refreshing ng paligid.


"Sige. Gusto kong makita 'yon," pagsang-ayon niya rito.


Kung ang dalawa siguro niyang kaibigan ang nasa posisyon niya ngayon ay tiyak na mamamatay sa tuwa ang mga ito. Lalo na at si Sanji Marquez pa ang parating kasama. Napangiti siya ng maalala ang dalawang kaibigan. Hindi naman niya magawang kumustahin ang mga ito dahil wala siyang load.


Bumalik na rin si Sanji sa pagkakaupo sa puwesto nito kanina at muling dinampot sa tabi nito ang mahabang damo na hawak kanina. Nilaro-laro nito iyon sa kamay habang nakatanaw sa pag-agos ng tubig sa ilog.


"No wonder hindi nakakainip dito sa hacienda ninyo. Marami naman kasing puwedeng gawin," out of nowhere ay basag niya sa katahimikan.


"Kaya nga ayokong iwan ang lugar na ito."


Hindi niya napigilan ang sarili na sulyapan ito. Kumpara siguro sa kaibigan nitong si Andrei mas pipiliin niyon ang city life kaysa ang mamalagi sa naturang lugar.


Ngayon niya unti-unting nakikita ang another side ng pagkatao ni Sanji. Iwas man ito lalo na sa mga babae sa school, kahit kanino pa nga, pero pagdating sa hacienda ng mga ito ay halos lahat ng mga tauhan ng mga ito ay hindi naman ito nangengeyeming lapitan. Kahit na nanglilimahid na sa pawis ang ilan ay pakikiharapan pa rin nito.


Ngayon, parang ayaw na niyang maniwala sa kasabihang 'First impression last' pagdating sa isang taong unang nakilala.


Hindi naman mainit ang bato kaya naupo siya isang dipa ang layo mula kay Sanji.


"Ayoko pa rin munang bumalik sa mansiyon niyo," aniya na nasa tubig lang ang atensiyon kahit na nakita niya sa kanyang side vision ang pagbaling ni Sanji sa kanya.


"Pagtatalunan pa rin ba natin 'yan?"


"Hindi naman ako nakikipagtalo. Wala rin naman akong gagawin doon."


Matagal bago muling nagsalita si Sanji. "Once na naging careless ka uli hindi lang kita papauwiin sa bahay. Ipapahatid na rin kita sa bahay ninyo."

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon