Chapter 29

9.1K 359 30
                                    

"PUWEDE bang maupo dito?"

Pag-angat ni Anria ng mukha ay nakita niya si Andrei. Nakaupo siya ng mga sandaling iyon sa damuhan sa ilalim ng punong Narra sa campus ground. Atubiling tumango siya.

"Sige."

Pasimple niyang tiningnan ang paligid. Hindi nito kasama si Sanji. May pagtataka rin siyang naramdaman dahil sa paglapit ni Andrei sa kanya. Ano'ng mayroon?

"Bakit nilapitan mo ako rito?" Hindi niya napigilang itanong ng makaupo ito sa tabi niya.

"Just to ask some question, Anria," may bahid na kaseryosohan nitong sabi.

Isinara niya ang librong binabasa bago ito pinagtuunan ng pansin. "Tungkol saan?"

"About you and Sanji. Kayo na ba?"

Hindi niya agad na-gets ang sinabi nito. "Huh?"

He smirk. "Kung kayo na ni Sanji?"

Naiimposiblihang tiningnan niya ito. "Kami ni Sanji?" Umiling siya. "Hindi."

"'Yung totoo?"

Inirapan na niya ito dahil medyo nakukulitan na siya. "Sinabi na ngang hindi, eh." Muli niyang binuklat ang hawak na libro kahit na wala na roon ang kanyang atensiyon. "Hindi kami. Imposible pati iyang sinasabi mo, Andrei."

"Palagi ka kasing bukang bibig ni Sanji kapag magkasama kami. Kaya naisipan kong itanong sa iyo kung kayo na. Mahirap kasing paaminin ang isang iyon."

"Ngayon nasagot ko na ang tanong mo kaya iwanan mo na ako rito, Andrei. Busy ako."

"Okay. Pero natutuwa lang ako dahil sa iba na nababaling ang atensiyon ni Sanji ngayon. Matagal siyang aloof sa mga chicks. Hindi dahil bading siya, huh. It's because ayaw niyang magkaroon ng dahilan para kalimutan 'yung alaala na mayroon siya sa kanyang childhood first love. Pero sa nakikita ko ngayon you've change everything since nagkasama kayo."

Childhood na, first love pa? Nakaramdam siya ng mumunting panibugho sa kanyang puso. Diyata't iyon ang batang babae sa picture na nasa tree house dati ni Sanji? Kahit na past iyon at siya ang present ni Sanji ay nakaramdam pa rin siya ng selos dahil sa kaalamang may minahal na pala ito.

"'Wag mong sabihin kay Sanji na sinabi ko iyon sa iyo."

Nasundan na lang niya ng tingin si Andrei ng maglakad na ito palayo habang nakapamulsa.

"Sabi niya ako ang una niya. Tapos may minahal na pala siya bago pa lang ako dumating sa buhay niya. Nakakainis ka Sanji."

Hindi siya halos patulugin ng kaalamang iyon. Paano kung bumalik ang childhood first love na iyon ni Sanji? Paano siya? Itsapuwera na sa eksena?

Dahil sa isiping iyon kaya halos hindi siya nakatulog.

Kinabukasan sa school ay hindi rin siya makausap ng matino nina Lai at Miyuki.

Kinuha niya ang sinulatang card sa kanyang bag at binasang muli sa kanyang isip.

Hindi ako worried kahit na maraming malalanding babae na naaligid sa paligid niya. It's about his past, his first love, na alam kong mas mahirap kakompitensiya sa lahat... Ako lang ito. Kailan lang dumating sa buhay niya. Hindi katulad niya na matagal niyang iningatan.

</3

Napabuntong-hininga siya bago isinabit ang card na iyon sa malaking Christmas tree na nasa lobby ng kanilang school building. Lahat ng thoughts puwedeng isulat sa kahit na anong papel at isabit doon. Puno na nga ang naturang Christmas tree dahil sa daming nag-confess.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα