Chapter 30

8.9K 355 18
                                    

AKMANG dadamputin ni Anria ang nahulog niyang notebook ng may maunang kamay sa kanya na kumuha roon.

Naangatan niya ng tingin ang classmate na si Waynard. Ngumiti ang seryoso nitong mukha.

"Here," anito na inilahad sa harap niya ang notebook.

Apo ito ng may ari ng school. May hitsura ngunit hindi sikat kagaya ni Sanji.

Kinuha niya iyon. "Salamat." Tinalikuran na niya ito.

"Anria..."

Hindi siya lumingon bagama't huminto siya sa paglalakad. Waiting for him to say something. Nang hindi ito nagsalita ay ipinasya na niyang magpatuloy sa paglalakad.

"Pasabay papunta sa room," ani Waynard na mabilis na umagapay sa kanyang paglalakad.

Napalayo siya rito. "Bakit hindi ka na lang maglakad mag-isa?"

Nahihiyang ngumiti ito. "Ahm. Ayaw mo ba?"

"Pasensiya na pero—"

"Anria."

Ang boses na iyon. Napalingon agad siya sa pinanggalingan niyon. Seryosong-seryoso ang mukha ni Sanji. Tiim na tiim din ang labi nito. Alam niya na ayaw nito ng nakikita. Ayaw nito na may lalapit sa kanyang iba. Naalala niya bigla ang sinabi nito sa kanya sa tree house.

"Just don't let any other man to near you or else he will be sorry."

Bago pa man masapak ni Sanji ang classmate na si Waynard ay nilapitan na niya ito. Walang imik si Sanji na hinila siya palayo kay Waynard na laglag ang panga habang sinusundan sila ng tingin.

"Siya ba 'yung nag-confess? May something sa pagtitig niya sa iyo at hindi ko 'yon nagugustuhan."

Lihim siyang napangiti dahil sa lantaran nitong pagseselos. Wala siyang pakialam sa mga taong sinusandan sila ng tingin at pinagbubulungan. Kahit kasi si Sanji ay wala ring pakialam sa paligid.

"Wala akong idea. Hindi naman kasi siya obvious kapag nasa room. Parang wala lang."

"Dahil wala siyang chance. Pero kanina nakita ko kung paano ka niya tingnan. Nagmadali pa siya sa paglapit sa iyo ng malaglag ang notebook mo. Ginamit pa niya ang chance na iyon para lang makasabay ka pabalik sa room niyo, ha. Tss. Lumang style."

Bitter ito masyado. "Hindi naman ako pumayag."

"Hindi nga. Pero still in the end sasabay pa rin siya sa iyo kahit ayaw mo."

"Nagseselos ka na niyan?" Hindi niya napigilang sabihin.

"You know me, Anria."

Confirm! Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang nagkukumawalang ngiti. Ang sarap sa pakiramdam na nagseselos ito.

"Kilala mo rin ako, Sanji," balik niya sa sinabi nito.

"I know." May sumilay ng ngiti sa labi nito. He check his wrist watch. "Walang klase sa first period ngayong hapon. Ano'ng plano mo?"

Umiling siya. "Matutulog siguro sa room. Nakakaantok kasi kapag hapon."

"Sabay tayong mag-lunch mamayang lunch break."

Napatingin siya rito. "Magtataka na ang mga tao dito sa school kung bakit sasabay pa ako sa iyo sa lunch."

"Wala akong pakialam, Anria. Hihintayin kita sa kotse ko mamaya pagkatapos ng last subject natin ngayong umaga. Aasahan kita."

Paano ba tumanggi? She sigh then nod. "Oo na."

"Napipilitan ka yata?"

Tinaasan na niya ito ng kilay. "Pumayag na ako. Ano pa ba'ng inaarte-arte mo?"

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now