Chapter 26

10.7K 448 102
                                    

ALAS dos ng hapon ng maisipang lumabas ng silid ni Anria. Sigurado siyang natutulog pa si Sanji ng ganoong oras. Maghapon niyang hindi ito pinapansin. Kahit na kaninang mag-agahan sila ay tapunan dili niya ito ng tingin. Alam niya asar na ito sa pinaggagagawa niyang pang-i-snob dito. Sino ba'ng hindi? Para itong nakikipag-usap sa hangin.

Uminom lang muna siya ng tubig sa kusina. Pasalamat siya at walang mga kawaksi. Busy sa panonood ng pang-hapong drama sa entertainment room na malayang nagagamit ng mga kawaksi kapag ganoong oras.

Imbis na bumalik sa gamit niyang silid ay hinayon ng kanyang mga paa ang papunta sa labas ng mansiyon. Lakad lang siya ng lakad at hindi iniinda ang sikat ng araw hanggang sa makarating siya sa may water falls. Napakadalisay talaga roon ng tubig.

"Buti pa sa lugar na ito napakapayapa." Pumikit siya at pinuno ng preskong hangin ang baga. Marahan niyang iminulat ang mga mata kapag kuwan. Hinding-hindi niya pagsasawaan ang lugar na iyon. Napangiti siya.

Kinuha niya sa bulsa ng suot na short ang kanyang cellphone at kinuhanan ng picture ang view ng talon. Nag-selfie rin siya roon.

Nang makontento ay naglakad na siya pabalik. Napahinto lang siya ng mapagmasdan ang tree house ni Sanji. Some memories flash on her mind. Alaalang kasama si Sanji. Lahat naman ng lugar sa hacienda ay kasama ito sa alaalang mayroon siya.

Namalayan na lang niya na tinatalunton na ng kanyang mga paa ang daan papunta roon. Wala naman sigurong tao roon kaya umakyat siya.

"Wala ngang tao," anas niya ng masilip ang loob ng tree house. Napangiti siya ng pagpihit niya sa seradora ng pintuan ay bumukas iyon. Malaya siyang nakapasok sa loob.

Katulad ng dati ay organize pa rin ang loob. Walang mababakas na alikabok dahil every other day ay nililinisan iyon ng kawaksi nina Sanji.

Wala na sa lamesa ang picture ng dalawang bata na nakita niya noon. Instead ay may picture siyang naka-frame doon. Maang na nilapitan niya iyon.

"Hala. Bakit may picture ako rito?"

Stolen shot iyon sa kanilang campus kung saan nakasandal siya sa may puno at nagbabasa ng libro habang nakaupo sa damuhan. Bigla ang pagkabog ng kanyang dibdib.

Isang malaking question mark pa rin ang bagay na iyon hanggang sa maupo siya sa may kama. Nanlambot kasi bigla ang mga tuhod niya sa nakita. Pati isipan niyang nananahimik ay naguguluhan ngayon.

"Baka naman may gusto siya sa akin?" Ipinilig niya ang ulo. "Pero imposible naman iyon. Pero bakit may picture niya ako dito sa tree house niya?"

Abala siya sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pintuan. Humihingal pa si Sanji ng maangatan niya ito ng tingin.

"Sino'ng may sabi na puwede kang pumunta rito?!"

Napatayo tuloy siya dahil sa galit nitong tono. Bawal na ba siyang pumunta roon? Parang gustong sumama ng loob niya.

"Ano naman sa iyo?" Pagtataray rin niya ng makabawi sa pagkabigla. Nang mapatingin ito sa may lamesa kung saan nakalagay ang picture niya ay ganoon na lang ang pag-iwas niya ng tingin ng muli siya nitong balingan.

"Nakita mo."

Napalunok siya. "Alin?"

Nang isara nito ang pinto ay napaiktad pa siya. Hindi naman siya ganoon kahilig sa kape ngunit masyado yata siyang magugulatin ngayon? Pasimple niyang sinulyapan si Sanji na nakatingin pala sa kanya. Kapag pumangit siya sa paningin ko. Pangako, isisigaw ko sa school na anak ako ng mayamang tao. Nagbaba siya ng tingin. Napakaimposible naman ng hinihiling niya.

"Tutal corner kita ngayon dito, may gusto lang akong malaman," basag nito sa katahimikan na sumandal pa sa may pintuan habang naka-cross arm.

Ako rin may gustong malaman. Bakit may picture ako dito sa tree house mo? Ano 'yon panakot sa dagang maliligaw rito?

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang