Chapter 35

9.5K 369 46
                                    

MAKALIPAS ang dalawang araw ay nakipagkita siya sa dalawang matalik na kaibigan.

"Totoo ba, Anria?" Nag-aalangan pa si Lai ng itanong iyon.

Marahan siyang tumango. Napayuko siya ng muling mag-init ang bawat sulok ng kanyang mga mata. "Nalaman nina mommy na nagpapanggap ako rito. Na hindi ko ipinaalam kung sino talaga ako. Hindi ko alam kung saan o kanino nila nalaman pati 'yung pag-away sa akin ng mga schoolmate natin." Nagbuga siya ng hangin dahil pakiramdam niya ay naninikip ang kanyang dibdib. "Nakakainis, ayaw nilang manatili ako rito hanggang sa graduation natin. Kahit iyon lang sana. Para sana hindi ako ganito ngayon. I have only four days to left."

Lumapit si Miyuki sa kanya at mahigpit siyang niyakap. "Hindi ako makapaniwala."

Nagpahid ng luha si Lai. "Sana panaginip lang ito."

How she wish too. Hindi na niya napigilan pa ang muling mapaiyak habang yakap-yakap ni Miyuki. "Sorry. Sorry, kung hindi ko matatapos ang school year. Kung pinauwi agad ako. Kahit Christmas hindi ko na rin mararanasan dito."

Ilang sandali rin silang nag-iyakang tatlo. Nang makabawi si Lai mula sa pag-iyak nito ay nagtanong agad ito.

"Paano si Sanji? Alam na ba niya na aalis ka?"

Umiling siya. Parang pinipiga ang puso niya ng maalala si Sanji. "Hindi."

"Puwede bang umamin ka sa amin ngayon, Anria?" ani Miyuki. "Wala naman kaming pagsasabihan ni Lai. Gusto lang naming mabigyang liwanag 'yung obviously na pagiging close sa iyo ni Sanji. Nanliligaw ba siya sa iyo? O kayo na?"

Pinahid niya ang natitirang luha at tinitigan ang kaibigan. "Hindi kami. Alam niyo namang bawal akong makipagrelasyon. H-Hindi rin siya n-nanliligaw."

"May gusto ba siya sa iyo?"

Napabuntong-hininga siya sa tanong ni Lai. Tumango siya, ayaw na niyang maglihim pa sa mga ito.

"Oh, my God," napakagat labi si Lai. "Confirm. So, paano na 'yan, aalis ka. Oh, wait. How about you? Gusto mo rin ba siya?" Sunod-sunod nitong tanong.

"Alam naming wala kang pakialam dati kay Sanji. Na-witness namin 'yon dahil sa ayaw mong mababanggit kahit pangalan niya. Until that accident happened. Nag-stay ka sa kanila for two weeks. Palagi kayong magkasama. Pagkatapos niyon ay napapansin namin na maraming nangyayaring eksena sa school na ikaw at si Sanji ang involve. Kung magkagusto ka man sa kanya, hindi naman 'yon kataka-taka. He's perfect, sweet, kind, hot, gorgeous and many to mention na puwedeng magustuhan ng isang babae. Kaya hindi mo kailangang mahiya kung aamin ka man ngayon sa amin ni Lai."

"Tama si Miyuki. Saka natural lang naman 'yan, Anria. Ang kaibahan lang, sa iyo nahumaling ang prince charming ko. Don't worry, no hurt feeling, promise."

Wala na siyang nagawa kundi ang magkuwento sa dalawa niyang kaibigan. Mga pangyayaring hindi niya naibahagi sa mga ito noon. "Sorry kung naglihim ako sa inyo," aniya matapos magkuwento. "Mabait si Sanji, sobra. Kaya hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kanya. Kung ako lang, ayokong umalis. Gusto ko rito. Pero wala akong magagawa ngayon dahil under pa ako ng mga magulang ko."

"Sayang Anria. Kung kailan nagkalapit na kayo ni Sanji ay saka pa ito nangyari. Kahit si Sanji hindi alam ang totoo mong pagkatao," ani Miyuki.

Malungkot siyang ngumiti. Huminga siya ng malalim. "May ipapakiusap ako sa inyong dalawa." Sa tingin niya ay ito ang tamang gawin sa ngayon. "Kahit na ano'ng mangyari ay 'wag na 'wag ninyong sasabihin kay Sanji kung saan ako pupunta at kung nasaan ako. Kahit na ano'ng mangyari, ipangako ninyo Lai, Miyuki," aniya na nakagat pa ang ibabang labi para hindi mapahikbi.

Walang nagawa ang dalawa kundi ang tumango.

"Kahit na... kahit na umiyak siya sa harap ninyo at magmakaawa. S-Sabihin niyo lang na," pinahid niya ang luhang muling namalisbis sa kanyang pisngi dahil sa sakit na nararamdaman habang sinasabi iyon. "Sabihin niyo lang na hindi niyo alam na aalis ako. Na hindi na lang ako pumasok. 'Wag ninyong sabihin sa kanya na nagpaalam ako sa inyo."

"Bakit kailangan mong gawin ito, Anria? Kahit communication man lang sana."

Umiling siya. "Just do it. Walang kasiguraduhan kung babalik pa ako. Kung sa future magkikita pa kami. Baka... baka kapag dumating 'yung panahon na iyon, hindi na kami puwede." Bagay na lalong nagpaiyak sa kanya. Hindi niya matanggap na ganito ang kahahantungan ng lahat.


A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now