Chapter 33

8.9K 360 29
                                    

TILA naumid ang dila ni Anria nang makita ang blankong mukha ni Sanji. Seryosong-seryoso, tipong bawal mag-joke.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?"

Nang makabawi sa pagkabigla ay napakurap siya. Kapag sinabi niyang sinadya niyang hindi sagutin ay tiyak na magagalit ito. She choose to lie.

"Talaga? T-Tumatawag ka? Nasa likod bahay ako may ginagawa kaya hindi ko rinig."

Tinantiya nito ang sinabi niya. "Really?"

Tumango siya. "Oo. Bakit ka nandito?"

"Wala ka bang balak na papasukin muna ako sa loob?"

"H-Ha? Ah, hindi puwede. Wala akong kasama dito."

Ganoon na lang ang pagsilay ng ngiti sa labi nito. "Much better," anito na tinanggal ang kamay niyang nakaharang sa may pintuan at nagkusa ng pumasok sa loob. Prente itong naupo sa may sofa.

Naiwan siyang nakanganga sa ginawa ni Sanji. Minsan talaga may taglay rin itong kakapalan ng mukha. Isinara na lang niya ang pinto at nakahalukipkip na hinarap si Sanji. Pormadong-pormado ito. Parang mag-mo-model lang sa suot nitong kulay pulang damit na may colar, denim pants na kulay puti at leather white shoes sa paa.

"Bakit pumunta ka dito sa bahay? Dapat nasa school ka. Sayang ang porma mo."

"Ikaw din," balik nito. "Dapat nasa school ka rin pero bakit hindi ka pumunta?"

Ibinaba na niya ang mga kamay. "Tinatamad ako." Simple niyang sagot at tinalikuran na ito. Naglakad siya papunta sa may kusina. Huminto lang siya ng maramdaman ang pagpulupot ng mga kamay ni Sanji sa kanyang tiyan mula sa likuran.

"I miss you."

Sa isang iglap lang ay nagawa nitong palambutin ang mga tuhod niya. Maging ang puso niya ay bumilis lalo ang tibok. Parang may naghahabulang mga kabayo. The last time na naramdaman niya ang init ng yakap nito ay last week pa. Napapikit siya ng mariin dahil sa sensasyong nararamdaman. How she missed him too. Gusto niyang isatinig ngunit pinigilan lang niya ang sarili.

"S-Sanji..."

"Stay with me like this... even just for a while." He even kissed her hair. Then hug her tight even more. "I missed you a lot."

Pinagbigyan niya hindi lamang si Sanji, ngunit maging ang sarili rin niya. She missed him too. Ayaw niyang magpaka-ipokreta sa nararamdaman.

Nang makontento si Sanji ay ito na rin ang naunang kumalas sa kanya. Saka lang siya nakahinga ng maluwag. Pero ang puso niya ay patuloy pa rin sa paghuhurumintado. Gusto niya itong makita kaya naman marahan siyang humarap dito. Nakangiti ang mga mata nito na nakatitig ngayon sa kanya. He always do this, melting her soul.

Akmang hahakbang palapit sa kanya si Sanji ng iharang niya ang kamay sa pagitan nila. "Hep," pigil niya rito. "Diyan ka lang. Marami kang hindi sinasabi sa akin kaya 'wag kang manantsing." Umatras siya ng dalawang hakbang palayo rito at humalukipkip. "Ilang araw kang absent pero ni minsan hindi mo naman sinabi kung bakit. Hindi mo ako tini-text para i-inform kung bakit. Kung hindi ko pa nakausap si Andrei hindi ko malalaman kung bakit. Akala ko ba mahalaga ako sa iyo?"

Nagawa pa nitong ngumiti sa kabila ng mga sinabi niya. "Simple lang naman 'yung rason ko kung bakit. Ayokong mag-alala ka. Kung hindi man kita nagawang i-text ay dahil nasira 'yung cellphone ko. Naupuan ko noong nadulas ako."

Papaniwalaan ba niya iyon? Paano kung nagdadahilan lang ito? "Weh?"

May dinukot ito sa bulsa ng suot nitong pantalon. Bagong cellphone nga. Ipinakita pa nito sa kanya ang wallpaper niyon. Napaawang ang labi niya ng makita ang naka-edit nilang picture na kuha last week sa pinuntahan nila. Ipinasa rin kasi nito sa cellphone nito ang naturang kopya ng larawan nila.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon