Chapter 21

9.5K 402 26
                                    

"MAG-KUWENTO ka naman, Anria," pangungulit pa rin ni Lai sa kanya.

Simula yata ng magkita sila nito kaninang umaga sa kanilang classoom ay hindi na ito tumigil sa pangungulit sa kanya tungkol sa pamamalagi niya kina Sanji. Maging si Miyuki ay panay rin ang pangungulit sa kanya.

"Walang interesanteng nangyari kaya lubayan niyo na ako sa kuwento na iyan dahil wala naman akong ikuwe-kwento."

"Weh. Aminin umiiwas si Ateng sa topic," bumungisngis pa si Miyuki.

"Hindi, ah," aniya bago nagpasak ng earphone sa tainga para tumigil ang dalawa sa pag-uusisa. "Tapusin niyo na 'yang kinakain ninyo."

"Damot sa kuwento."

Nang matapos silang mag-lunch sa cafeteria ay pinagitnaan na naman siya ng dalawang kaibigan para magpatuloy sa pangungulit.

"Magkuwento na kasi," ani Lai na dinuggol pa ang braso niya.

"OMG! Si Sanji!" Impit na palirit ni Miyuki habang tulalang nakatingin sa unahan nila. "Gosh! I missed him! Lalo siyang gumwapo."

Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita nga niya si Sanji. Makakasalubong nila ito. Akala niya ay papansinin siya nito ngunit kahit isang sulyap sa direksiyon niya ay hindi nito ginawa. Hindi niya alam ngunit biglang nanikip ang dibdib niya ng lampasan lang sila nito. Pinilit niyang magpaka-normal lang kahit na ang totoo ay nakaramdam siya ng mumunting kirot sa kanyang dibdib.

Ayaw niya ng pakiramdam na iyon. Masyadong masakit. Hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang maramdaman ang pakiramdam na iyon. Dati naman ay balewala lang sa kanya si Sanji pero bakit ngayon ay parang big deal na ito? Lalo na ang pambabaliwala nito sa kanya? Ano ba'ng nangyayari sa kanya?

"Kitams? Walang dapat na i-kuwento," kunway balewalang sabi niya sa dalawang kaibigan ng tuluyang makalayo si Sanji. Gusto niya itong lingunin ngunit nagkanda-pigil-pigil lang siya.

"Still ang guwapo-gwapo pa rin niya. Gosh!" Exagerated na sabi ni Lai. "Na-miss ko siya ng sobra. Ang tagal ng bakasyon na sobrang boring naman. Buti nga ikaw Anria kahit paano nasisilayan mo ang kaguwapuhan niya. Take note, araw-araw pa."

"Correct ka, Lai," segunda ni Miyuki. "Ang boring din ng bakasyon ko."

Anria remain silent. Hinayaan lang niya na sina Lai at Miyuki ang mag-usap ng mag-usap.

Kung gusto niya ng snob-an so be it. Wala akong pakialam! nanggagalaiti niyang sabi sa isip.

"Anria, 'yung wire ng earphone mo mapuputol na."

Napatingin tuloy siya sa hawak na wire ng earphone niya. Totoo nga ang sabi ni Miyuki malapit na iyong maputol kung hindi niya tatantanan sa panggigigil. Hindi niya napansin ang aksiyon niyang iyon. Weird.

"Ano'ng nangyayari sa iyo at ang weird ng kilos mo?" sita pa ni Lai.

"Wala. 'Wag niyo na nga lang akong pansinin."

Dalawang linggo pa ang matuling lumipas. Pakiramdam ni Anria ay back to normal na ang lahat dahil wala ng mga atribida na humaharang sa kanya o 'di kaya ay susugudin siya.

Hanggang isang araw habang nakaupo siya sa ilalim ng punong Narra ay may maupo sa tabi niya. Inagaw pa niyon ang kanina pang pinagdidiskitahang tetro pack ng juice. Nabaliko na kasi 'yung matulis na dulo ng straw kaya ang ginawa nito ay binaligtad nito iyon maging ang juice. Sa puwetan nito iyon tinusok.

"Maliit na bagay masyado mong pinapahirap," sabi pa nito bago ibinalik sa kamay niya ang juice. Nang mapansin pa nito ang hindi pa nababawasang kwek-kwek sa dispossable cup sa tabi niya ay kinuha rin nito iyon at walang paalam man lang na binawasan.

Hindi maiwasang mapamaang ni Anria. "Ano ba, Sanji! Kwek-kwek ko 'yan!" She hiss.

"Alam ko. Hindi ko naman sinabing sa akin," ani Sanji bago tumusok pa ng isang kwek-kwek sa cup. Tatlo na lang tuloy ang natira roon.

Bago pa nito iyon maubos ay inagaw na niya rito ang cup. "Sa sobrang yaman mo puwede mo ng bilhin pati 'yung nagtitinda nito sa labas. Pati ako aagawan mo pa ng pagkain," kunway inis niyang sabi para lang pagtakpan ang mabilis na pintig ng kanyang puso.

For the past two weeks ngayon lang siya nito nilapitan. Hindi niya alam kung bakit nagbago ang ihip ng hangin at ito pa ang kusang namansin. Kung kailan naman umiiwas siya sa mga tao ngayon dahil hindi pumasok ang dalawa niyang kaibigan. Si Lai may sakit habang si Miyuki naman ay may importanteng pinuntahan kaya heto siya ngayon mag-isa lang. Sigurado siya na mamaya pagpasok niya sa kanilang cladsroom ay may masasamang tingin na naman ang classmate niya sa kanya. Gugulo na naman tiyak ang kanyang mundo ng dahil sa muling paglapit ni Sanji sa kanya.

"Papalitan ko 'yung kinain ko kung gusto mo, pero hindi ngayon. Tinatamad akong lumabas ng campus."

"Kung bakit kasi ang dami namang puwedeng puntahan or tambayan dito sa school, eh, dito pa napili," pasaring niya rito.

"I have my own reason."

Napatingin tuloy siya rito. But when she meet his gaze ay dagli siyang nag-iwas ng tingin.

"Si Andrei bakit hindi mo yata kasama?" Tanong niya bago tumusok ng isang kwek-kwek at kinain.

"Ang dami mong puwedeng itanong si Andrei pa talaga ang naisipan mo?" May bahid na inis na sabi ni Sanji.

Pagkakain sa kwek-kwek ay sumipsip muna siya sa kanyang juice bago ito sinagot. "Nakakapagtaka lang dahil araw-araw kayong magkasama. Daig niyo pa nga ang mag-jowa na hindi mapaghiwalay." Napangisi pa siya. "Kaunti na nga lang bagay na kayo."

"You think so?"

"Yep. Hindi ko lang sure kung sinong tagilid sa inyo ni Andrei." Napakislot siya ng biglang agawin ni Sanji sa kanya ang hawak na cup. Napatingin tuloy siya rito. "Akin na 'yan."

"Ano'ng gusto mong palabasin ngayon? Na ako 'yung tagilid sa aming dalawa?"

Nagkandabuhol-buhol tuloy ang dila niya. Sobrang seryoso ni Sanji. Para binibiro lang ito seseryosohin naman agad.

Sinubukan niyang bawiin dito ang cup pero inilayo lang nito iyon. "W-Wag ka ngang ano riyan. Para binibiro lang."

"Biro?"

"Oo. Apektado ka masyado kaya napaghahalata ka, eh." Isinukbit na niya ang kanyang bag at hinayaan na kay Sanji ang kwek-kwek kahit na isang piraso pa lang ang nakakain niya.

Tatayo na sana siya ng mabilis na pigilan siya ni Sanji sa kanyang braso.

"So, you think I'm a gay?" Salubong pa rin ang kilay na tanong nito.

Napalunok siya dahil 'yung mukha ni Sanji ay hindi naman kalayuan sa kanya. That awkward moment. Hindi naman niya iniisip na ganoon nga ito. Wala lang siyang masabi kanina.

"W-Wala akong sinabi na ganoon. Paranoid ka masyado."

He even smirked after a while. "'Wag kang masyadong magbiro dahil baka hindi mo magustuhan ang puwedeng mangyari sa iyo." He release her arm then stand up. "Malapit ng mag-time. Bumalik ka na sa classroom niyo."

Walang imik na tumayo na rin siya. "May utang ka sa aking kwek-kwek," aniya rito bago nagmamadaling iniwan ito.


A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now