Chapter 31

9.1K 380 19
                                    


MINSAN akala natin tuloy-tuloy na ang kilig at ang sayang nararamdaman ng isang tao. Bagay na ipinagkamali ni Anria.

"Oh, my gosh!" Tili ng isang babae na nagtatatakbo sa corridor.

"I can't believe it!" Palirit din ng kasama nito.

"Ano'ng meron at ang daming nagpi-freak out?" Salubong ang kilay na anas ni Lai.

Tumayo si Miyuki at lumabas ng classroom. Ganoon din ang ginawa ni Lai, sumunod ito kay Miyuki. At dahil na-curious din si Anria kaya nakitayo na rin siya at sumunod sa mga ito.

Ang daming bad trip na mga babae. Kaliwa't kanan. Hindi niya alam kung bakit. May tumingin pa sa kanya at napailing.

"Ano ba ang nangyayari?" Naitanong niya sa sarili. Wala siyang ideya.

Gusto niyang magtanong pero pinigilan niya ang sarili. Hanggang sa madaanan niya ang classroom nina Sanji na puno't dulo ng lahat. Ang daming nagkukumpulan sa labas ng room. Mga nakadungaw sa bintana at pintuan.

"Hindi ako makapaniwala. Ang bruhang iyon. I know it! Sinadya lang niya iyon."

"Oo. Planado niya lang ang lahat kaya nangyari iyon."

Tumili ang isa. "Ang landi niya! Ano'ng karapatan niyang halikan ang Sanji ko?"

"Nakakainis. Ang sarap sabunutan. Aabangan ko siya sa labas ng school. Buwisit!"

Natigilan siya lalo. Tama ba ang narinig niya?

"Anria, tara na," hinila ni Miyuki ang kanyang kamay ng madaanan siya nito. Naiiyak na ito.

"M-Miyuki—"

"Buwisit talaga. Napaka-epal ng bruha na 'yon," nanginginig sa galit na sabi ni Miyuki.

Pinigilan niya ito sa kamay. Pagkuwan ay hinarap niya ito. "Ano ba talaga ang nangyari? Bakit ganito? Ikaw umiiyak ka rin." Sana hindi totoo 'yung narinig niya. Sana...

"'Yung classmate nina Sanji aksidente raw na nahalikan sa lips si Sanji. That's freaking shit! Gosh, I can't even believe it. Sinadya niya 'yon, sigurado."

Tuluyan na siyang natigilan. Totoo nga ang narinig niya kanina. Pakiramdam niya ay nanghina ang lahat sa kanya. Lahat-lahat. Napahawak siya sa wall. Pati dibdib niya ay nanikip bigla. Hindi siya makahinga sa nalaman.

"S-Sinong classmate?"

"'Yung maarteng anak ng Vice Mayor dito sa San Rafael."

Si Flory Jane Mendoza ang tinutukoy nito. Isa sa mga hot chicks ng kanilang school. Isa sa mga nanggagalaiti sa kanya.

Para siyang papel ng muling hilahin ni Miyuki pabalik sa kanilang classroom. Manhid ang pakiramdam niya. Nakamamanhid pala kapag nalaman mo ang balitang iyon. May ibang humalik kay Sanji. Hindi niya matanggap. Bakit hinayaan iyon ni Sanji? Bakit hindi agad nito naitulak? Gusto niyang umiyak dahil masakit sa pakiramdam.

"Nakakainis talaga!" Isinubsob pa ni Lai ang mukha sa dalawa nitong palad ng makaupo ito sa upuan nito. "Ang feelers niya por que nakahalik lang siya kay Sanji."

Paano pa kaya kung actual niyang nakita ang pangyayaring iyon? Baka mas lalong hindi niya kayanin.

Hanggang sa matapos ang kanilang klase sa araw na iyon ay animo pinagbagsakan ng langit at lupa ang lahat ng babae sa kanilang school. May ilan pa ngang pugto ang mga mata.

Siguro nakikidalamhati ang kalangitan dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan sa labas.

"May payong ka, Anria?"

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now