Chapter 03

14.8K 546 53
                                    

PAGBUNGAD pa lang ni Anria sa pintuan ng room nila, automatic na natuon sa kanya ang atensiyon ng mga classmate niya. Lalo na iyong mga babae. Pagkuwan ay nagbulungan na ang ilan.

Isinawalang bahala na lang niya iyon. Hindi pa nga siya nakakaupo sa silya niya ng humahangos na dumating naman si Lai at Miyuki.

"Anria!"

Umupo muna siya bago pinansin ang dalawa. "Oh?"

Humihingal pa si Miyuki ng mag-salita. "Nabalitaan namin 'yung nangyari kahapon."

"Grabe! Bakit mo hinampas si Sanji?"

"Hindi ko kailangang mag-paliwanag kung bakit ko 'yon nagawa. At saka kasalanan naman niya, eh."

"Pero ng dahil doon, hot isseu ngayon 'yon dito sa campus."

"At nabalitaan din namin na dinala kahapon si Sanji sa ospital."

Tiningnan niya si Lai. Umasim ang mukha niya dahil sa narinig. "Ang OA talaga ng taong iyon, ha! Hampas lang naman 'yung natamo niya at hindi bugbog," napapalatak pa siya. "Hay, grabe siya."

"You really freaking hate Sanji," napalabi si Miyuki. "How sad."

"Mukhang hindi mo talaga alam na may injury pa siya sa braso niya. We heared from our source na nalaglag pala si Sanji habang sakay ng kabayo niya ng mag-horseback riding sila ni Andrei. At 'yung hinampas mo ay 'yung may injury niya."
Biglang rumihistro sa alaala niya ang sakit na lumarawan sa mukha ni Sanji ng hampasin niya ito. He's not acting that time. He's really in pain. Kaya ba ganoon na lang ang pag-aalala ni Andrei ng lapitan ito? Natigilan tuloy siyang lalo. Ang lakas pa naman ng hampas niya kay Sanji. Nakaramdam siya ng konsensiya sa ginawa.
"'Yung number ko," naibulalas niya mayamaya.

Nagkatinginan sina Lai at Miyuki. Tumikhim si Miyuki. "Eh, kasi Anria-"

"Si Sanji kasi tinanong sa amin kung ano'ng number mo. Eh, wala naman kaming nagawa kundi ang ibigay. Alam mo ba iyong feeling na para kaming nakalutang sa ulap dahil kinausap niya kami? Unforgetable moment! Kaya ayon nga dahil sa kaguwapuhan niya kaya naibigay namin. Wala kaming nagawa."

"Sorry," duet pa ni Lai at Miyuki sabay peace sign.

Sinasabi na nga ba niya. Kahit naman ano'ng gawin ni Sanji nakukuha talaga nito ang gusto.

Nahilot niya ang sentido. Ano naman kayang pabor ang hihingin nito sa kanya kung sakali? At bakit sa kanya pa? Kahit naman sabihin nitong may utang na loob siya rito dahil dinampot nito ang sign pen niya, para namang ang babaw na dahilan niyon para hingan siya nito ng pabor.

"Anria, okay ka lang ba?" basag ni Lai sa pananahimik niya.

Atubiling tiningnan niya ito.

"Ano na ngayon ang gagawin mo Anria?"

"Magso-sorry ka ba kay Sanji?" usisa ni Miyuki.

Siya, magso-sorry kay Sanji? "No way!" Hindi yata niya matatanggap na sinabihan siya nito na playing hard to get. Magdusa ito sa sakit ng hampas niya. Hinding-hindi siya magso-sorry.

Napangiwit pa si Miyuki dahil sa tindi ng pagtanggi niya. "Okay. Okay. Wala tayong kalaban. Kalma ka lang diyan, sis."

Itinaas pa ni Lai at Miyuki ang dalawang kamay. "Chill ka lang."

"SO, siya pala iyon?"

Nagpatuloy lang sa pagkain si Anria at hindi pinansin ang babaeng nagsalita na padaan sa may table nila nina Lai at Miyuki. Nasa cafeteria sila ng mga sandaling iyon at kumakain ng tanghalian.

"Hey."

Hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin. Ganoon din si Lai at Miyuki. Hindi niya sasayangin ang gana sa pagkain ng dahil lang sa mga atribidang tao. Paborito pati niya ang ulam kaya doon siya nag-focus.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now