Chapter 12

9.6K 404 13
                                    

ILANG SANDALI pang pinagmasdan Anria si Sanji na himbing na himbing pa rin sa pagtulog kahit alas otso na ng umaga. Masyado itong napuyat sa ginawang pagbabantay kagabi sa may kulungan ng manok. Kung hindi siya nagkakamali ay alas tres na ng madaling araw ng magsibalikan ang mga ito. Bangag pa siya ng dumating ito at mahiga kanina sa tabi niya.

Wala namang dumating na siyang dahilan sa pagkawala at pagkamatay ng dalawang manok kaya nagsiuwian na rin ang mga ito. Nagising na lang siya na katabi na si Sanji na nakapatong pa ang braso sa may mukha nito.

Lumabas na siya sa kulambo. Pagkasuot sa kanyang tsinelas, na ipinahiram pa sa kanya ni Inang Rodora dahil nabasa ang sapatos niya kahapon sa ilog, ay tuluyan na rin siyang lumabas sa maliit na kuwarto na tinulugan nila ni Sanji.

"Mabuti naman, hija, at gising kana. Gusto mo na bang mag-almusal? Nagpaluto si Abo ng tinolang manok," bungad sa kanya ni Inang Rodora paglabas niya sa kuwarto.

"Magandang umaga po," bati niya sa matanda. "Sabay na lang po kami ni Sanji mamaya pag-gising niya."

"Naku baka mamaya pa gumising si Señorito kaya ang mabuti pa ay kumain ka na muna. Sumunod ka na dito sa kusina."

Wala na siyang nagawa kundi ang pagbigyan ang matanda.

"Kayo po ba, Inang Rodora, kumain na?"

"Tapos na. Kanina pang alas sinco kami nag-almusal. Maaga kasing gumigising ang mga tao rito para magtrabaho."

"Ganoon po ba," aniya bago nagpatuloy sa pagkain. Native na tinolang manok ang niluto ng mga ito. Paborito raw iyon ni Sanji kaya iyon ang iniluto. Mas masarap nga kaysa sa fourty five days na manok.

Matapos kumain ay nagpasalamat siya sa matanda bago nagpaalam na maglalakad-lakad lang sa labas.

Kakaiba talaga ang buhay kapag nasa ganoong lugar. Maagang gumigising ang mga tao. Sa gabi naman ay maaga ring natutulog. Simple lang ang pamumuhay pero masaya naman ang mga tao. Kahit na malayo sa siyudad.

Napangiti si Anria ng matanawan ang daan patungo sa may kulungan ng baka. Tinalunton niya ang papunta roon. Naabutan pa niya roon ang isang tauhan, si Mang Ariel.

"Magandang umaga po," magalang niyang bati rito.

"Magandang umaga rin naman Ma'am," ganting bati nito. "Naligaw po kayo rito?"

"Titingnan ko lang po 'yung mga Jersey cow."

Napatango-tango ito. "'Yung iba po nakaula na sa parang para mangain ng mga damo."

"Okay lang po."

Kinuha na ni Mang Ariel ang tali ng isang baka at hinigit palabas sa kuwadra ng mga baka. "Dadalhin ko lang po itong baka sa parang. Nasa loob naman po si Lino."

"Sige po."

Nang maiwan doon ay pumasok na siya ng tuluyan sa loob ng kuwadra. Malalaking baka ang naiwan doon na lahat daw ay may breed.

Natanawan niya si Lino na abala sa pagbibilang ng baka. "Magandang umaga po," bati niya rito.

"Magandang umaga rin, Ma'am."

Tiningnan niya ang malaking baka. Medyo inilibot niya ang tingin sa paligid.

"Maiwan na muna kita rito, Ma'am, at pupuntahan ko lang si Ka Abo sa may kulungan ng mga manok."

Tinanguan niya ito. "Sige po."

Nanatili pa siya roon ng ilang sandali. Hindi naman sa bano siya sa mga with breed na malalaking baka. Natutuwa lang siya na makakita ng mga baka na nagbibigay ng gatas na siyang ginagawang keso. Isang sulyap pa ang ginawa niya sa mga baka na mga nakatingin din naman sa kanya bago ipinasya ng umalis.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon