Chapter 14

9.3K 382 9
                                    

MABILIS na nakabawi si Anria ng dumistansiya si Sanji sa naturang babae.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Sa Tuesday pa ang party ni Mommy."

Pa-cute pa ang ngiti ng babae kay Sanji. Hindi nalalayo ang height nito sa kanya. May hitsura rin bukod sa sobrang puti. Mukha rin itong half-half base na rin sa singkit nitong mga mata. Tingin niya ay hindi rin nalalayo ang edad sa kanya.

"Sinabi ni Ninang kay Mommy ang nangyari sa iyo kaya nagdesisyon ako na puntahan ka. How are you na? Okay ka na ba?"

"Stop being paranoid and OA, Ajani. Pagod ako kaya kailangan ko ng magpahinga. Hindi rin kita mai-entertain kaya ikaw na ang bahala sa sarili mo. Suit yourself."

Maang na nasundan ng tingin ni Ajani si Sanji na umakyat na sa hagdanan.

"Sanji! You're so mean! Alam mo bang pinilit ko pa si Mommy para makauwi agad ako dito sa Pilipinas para alagaan ka because your parents are not here. Tapos you will still snob me like this? After all this year's hindi ka pa rin ba sawa na snob-in ako?"

Huminto si Sanji sa may gitna ng staircase ngunit hindi nilingon si Ajani.

"Gusto ko lang linawin sa iyo, Ajani, na hindi kita pinipilit na alagaan ako. Ayos langa ako at hindi ko kailangan ng isa pang tagapag-alaga ko. You can go back to Japan if you want," iyon lang at tuluyan ng umakyat si Sanji.

"Isusumbong talaga kita kay Ninang!" Palirit ni Ajani ng iwan ito ni Sanji.

Kahit si Anria ay natameme sa ginawang pang-i-snob ni Sanji sa babae. Napahinto siya sa paglalakad ng mapabaling sa kanya ang babae. Nawala ang inis sa mukha nito. She even looked at her from head to toe. Sinusuri siya sabay tikwas ng isang kilay. Nase-sense niya na may pagka-maldita ang isang ito.

"And who are you?" Humalukipkip pa ito.

Baka kapag sinabi niya na siya ang taga pag-alaga ni Sanji ay lalo itong magwala. Tumikhim siya para palisin ang kung ano mang tila nakabara sa kanyang lalamunan.

"Alalay," tipid niyang sabi.

Pagak itong napatawa. "Oh, dear. Don't be kidding me. Ikaw alalay?"

"Hindi naman ako nagbibiro."

"Stop it. Walang nabanggit si Ninang na may alalay na babae si Sanji. So please stop being rediculous. I'm not buying it. At isa pa, alergy yata sa babae si Sanji."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala." Nilampasan na rin niya ito dahil gusto na niyang magpahinga muna. Para kasing napakahaba ng araw na iyon para sa kanya dahil sa dami ng nangyari.

Mabilis na hinila ni Ajani ang braso niya para hindi agad siya makalayo rito. "Ayoko talagang maniwala. Ako na kinakapatid niya ni hindi nga niya pinapansin kahit na ano'ng pagpapapansin ang ginagawa ko. Ikaw pa kaya? Na sobrang plain?"

"Hindi naman ako habang-buhay na alalay ni Sanji kaya 'wag kang mag-alala Miss Ajani. Hanggang next week lang ako rito." Malapit na siyang mainis dito kahit na inaanak pa ito ng magulang ni Sanji. Binawi niya mula rito ang brasong mahigpit nitong hawak.

"Tsk. Sa totoo lang ayokong nakikita ka rito. Kaya puwede umalis ka na lang dito? Magkano ba ang ibinayad sa iyo nina Sanji? Ti-triplihin ko umalis ka lang. Name your price. Ako na ang bahalang gumawa ng trabaho mo."

Huminga siya ng malalim para kalmahin ang kalooban. Kahit paano ay pinigilan pa rin niya ang sarili na sabungin ito. "Sa iyo na ang pera mo dahil hindi ko 'yon kailangan. Walang kaukulang bayad ang pagiging alalay ko kay Sanji. At kung gusto mo talaga na umalis ako rito, maghintay ka hanggang next week."

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now