Chapter 25

10.3K 407 24
                                    

KAHIT na alam na ni Anria na posibleng humakot siya ng sandamakmak na award ay iba pa rin pala kapag ikaw na mismo 'yung nanalo as a grand winner.

Marami namang nagsabi na sa lahat ay siya ang deserving. Ngunit maraming umiyak dahil 'yung inaasam ng mga ito na dinner date with Sanji Marquez ay sa kanya rin napunta.

Hindi pa rin niya tinapunan ng tingin si Sanji hanggang sa matapos ang naturang event. Nag-aayos na sila ng mga kaibigan niya ng gamit ng sadyain pa siya sa back stage ng modelong judge.

"Congrats for winning this event," anito na inabot pa sa kanya ang isang bouquet ng red roses. "For you."

Kung 'yung dalawa niyang kaibigan ay kinikilig, puwes hindi siya. Ayaw naman niya na mabastos ito kaya tinanggap niya iyon. "Thank you."

"You're welcome. Pauwi na ba kayo? Baka gusto niyong ihatid ko na kayo?"

Siya ang umiling kahit na mukhang gusto ng mga kaibigan niya.

"Salamat na lang po pero may gagawin pa kami."

Hindi na rin naman ito nagtagal pa. Mukha pa ngang nanghinayang dahil sa pagtanggi niya.

"Type ka yata, Anria," tudyo ni Lai.

"May flowers pang nalalaman, choz!"

"Bulaklak lang ito, Miyuki. O, sa iyo na kung gusto mo."

At ang bruha open arms pang tinanggap ang bulaklak niya. "Thank you. Gosh, ang guwapo kaya niya."

Naiiling na lang na inayos niya ang mga gamit. Nang matapos sila ay lumabas na rin sila ng back stage.

"Oh," bulalas ni Lai na nakapagpatigil sa paglalakad nila.

Nasundan niya ang tinitingnan ng kaibigan. Parang nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib ng makitang iginiya pa ni Sanji ang babaeng judge sa pagsakay sa front seat ng kotse nito. Napalunok siya.

Ihahatid pa niya talaga? The nerve. Nakakainis ka Sanji!

"Tara na," malamig niyang sabi sa dalawang kaibigan. Nagpatiuna na siya sa paglalakad at hinding-hindi na tinapunan ng tingin ang kinaroroonan nina Sanji. Parang kung may anong mabigat sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.


"OMG! Hindi nga Anria? Please 'wag mo naman akong biruin ng ganito," naiiyak ng sabi ng kaklase niyang si Ezha. Kasali rin ito sa cosplay ngunit hindi nakapasok sa top.

"Hindi ako nagbibiro. May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko kaya sa iyo ko na ibibigay 'yung chance na makasama si Sanji sa napanalunan kong dinner date. 'Wag mo nga lang ipapaalam sa kahit na sino na ibinigay ko 'yon sa iyo, ha?"

Kausap niya ito sa may sulok ng kanilang classroom at sapat lang na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Sa sobrang saya talaga nito ay napaiyak pa ito sa harapan niya.

"Thank you talaga. Sorry kung isa ako sa naiinis sa iyo noon dahil pinapansin ka ni Sanji. Ngayon ko mas napatunayan na mabait ka nga. Salamat talaga. I owe you this one, Anria. Kung may gusto ka puwede mong sabihin. Promise, kahit Pluto kaya kong ibigay sa iyo."

Gusto niyang mapangiwi sa huli nitong sinabi. Tumikhim siya bago ito tinapik sa balikat. "'Wag ka ng umiyak. Ibibigay ko 'yon ng walang kapalit. Enjoy na lang."

Bago niya ito iwan ay niyakap pa siya nito ng mahigpit.

"Ano'ng mayroon?" May pagtatakang tanong ni Lai ng makabalik siya sa kanyang upuan.

"Wala. May sinabi lang ako kay, Ezha."

"Eh, bakit umiyak pa?"

Kung sasabihin naman niya na ibinigay niya kay Ezha ang chance na maka-date si Sanji ay baka maisumpa siya ng mga ito. Baka okrayin pa siya na bakit hindi na lang sa dalawang kaibigan niya ibinigay ang dinner date. Ayaw lang niyang malaman ng mga ito na hindi siya sisipot sa dinner date na iyon. Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin siya sa babaeng judge na pinasakay ni Sanji sa kotse nito.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now