Chapter 15

9.1K 384 9
                                    


HANGGANG sa mga sandaling iyon ay talagang pinanindigan ni Sanji ang pag-iwas sa kinakapatid nito. Hinahayaan lang iyon ni Anria. Medyo naaawa na nga rin siya kay Ajani dahil nagmumukha itong ewan kapag hindi pinapansin ni Sanji.

Sa bagay naman na iyon ay wala na siyang magagawa pa. Desisyon naman ni Sanji ang mang-snob.

"Grrrr. I can't stand this anymore!"

Gigil pang sabi ni Ajani bago nag-walk out papunta sa may lanai kung saan prente siyang nakaupo at tulala sa kawalan. Nakatambay kasi roon si Sanji kanina ng kulitin naman ni Ajani. Sa inis ni Sanji kaya umalis ito na sinundan naman ni Ajani. And now her she is sambakol ang mukha ng bumalik sa lanai.

"Buti pa ang mga tauhan dito sa hacienda pinapansin niya. Pero ako, daig ko pa ang mukhang may virus kung layuan niya." Pabagsak na naupo si Ajani sa tapat niya.

Tinapunan niya ito ng tingin. "'Wag kang mag-alala dahil halos lahat sa school hindi rin niya pinapansin. Kaya hindi ka nag-iisa."

"Oh, shut up! Isa ka pang nakakainis, eh. Palagi kayong magkasama ni Sanji. And you even sleep on his room. Fuck this life. Wala naman sigurong nangyayari sa inyong dalawa?"

Gilalas man sa sinabi nito ay nakuha pa rin niyang umiling siya. Napaka-advance masyado ng imagination nito. "Malabo 'yang iniisip mo."

Nakahinga naman ito ng maluwag sa sinabi niya. "Good. Bumalik ka na sa guest room na ginagamit ko dahil mas lalong hindi ko ma-take kung sa room ka ni Sanji nag-stay. Kunin mo na lahat ng gamit mo doo," utos nito. "Akala ko masosolo ko na siya rito hindi rin pala. Buwisit," anas nito na hindi nakaligtas sa pandinig ni Anria. "What are you waiting for? Go!" Iritado nitong sabi ng muli siyang tingnan.

Kinalma muna niya ang sarili bago tumayo at walang imik na umalis. Sinadya pa niyang bagalan lang ang paglalakad papunta sa may grand staircase.

Nang makarating naman sa silid ni Sanji ay walang kakatok-katok ng buksan niya ang pinto. Pagbukas niya sa pinto ay sumalubong sa kanya ang isang malamyos na musika na nagmumula sa grand piano. Ng ilusot niya roon ang ulo ay nakita niya si Sanji na nakaupo sa harap ng grand piano at seryosong tumitipa roon. 'Yung tipong walang sinuman na nakikita ito sa paligid at tanging ito lamang ang tao sa mundo ng mga sandaling iyon. He played very well.

Maingat na pumasok siya sa loob at tahimik na pinanood si Sanji buhat sa may pintuan. 'Close To You' ang title ng tinutugtog nito. Mahilig din siyang tumugtog ng piano noong nasa London pa siya. Wala lang niyon sa bahay ng kanyang Lolo at Lola.

Pumalakpak pa siya ng matapos si Sanji sa pagtugtog ng piano. Napalingon tuloy ito.

"Kanina ka pa?"

Tango lang ang isinagot niya bago lumapit sa direksiyon nito. Umupo siya sa gilid ng sofa bed na nakalatag pa rin malapit sa may piano.

"Babalik na ako sa guest room," aniya dito.

"Guest room?"

"Pinababalik na ako ni Ajani dahil hindi raw niya ma-take na dito ako natutulog sa kuwarto mo," aniya na kinuha na ang bag.

Sumandal ito sa inuupuan nito at pinagmasdan ang hawak niyang bag bago itinuon ang tingin sa mukha niya. "Okay."

Akala naman niya ay pipigilan siya nito. Asa ka naman Anria! Kontra ng isang bahagi sa kanyang isipan.

"'Yung gamot mo nga pala iinumin mo pa," paalala niya rito.

"Tumigil na ako sa pag-inom ng gamot," tumayo na ito at pumwesto naman sa may harap ng glass wall at tinanaw ang kalawakan ng hacienda.

"Pero maintenance mo 'yon para sa spinal cord mo, 'di ba?"

"I'm okay. It's been two weeks since mangyari ito sa akin. Okay na ang pakiramdam ko. Later this afternoon darating na sina Mom and Dad."

Nakagat niya ang ibabang labi. What now? Makakaharap na niya ang mga magulang nito. Naalala na naman niya ang sinabi noon ni Andrei tungkol sa ina ni Sanji. Baka galit ito sa kanya dahil sa nangyari sa unico hijo nito. Nag-angat siya ng tingin. Nakatalikod pa rin sa kanya si Sanji.

She cleared her troath first before tried to say something. "Si Andrei pauwi na rin galing Japan, 'di ba?"

Hindi ito nagsalita. Makalipas din naman ang ilang sandali ay marahan itong humarap sa kanya. "Ang dami mong puwedeng sabihin si Andrei pa ang naisipan mo?"

Nagtatanong lang naman siya. Lahat na lang minasama nito. "Nagtatanong lang naman ako," katwiran pa niya.

'Yung klase ng tinging ipinukol nito sa kanya ay parang sinasabi nitong 'I don't buy that crap'.

"You like him?"

Bahagya tuloy ang pag-awang ng mga labi niya. Like agad? "Joke ba 'yan, Señorito Sanji?" Maasim ang mukha na tumayo na siya dala ang bag. "Kung bibigyan mo ng maling kahulugan ang sinabi ko ikaw na ang bahala. Itong sofa bed mo ikaw na ang mag-ayos," aniya na walang lingon likod na iniwan na ito.

"Ikaw 'yung gumamit kaya ikaw ang mag-ayos niyan."

Nang lingunin niya si Sanji ay kalalabas lang nito papunta sa may veranda. Mukhang hindi talaga nito aayusin ang tinulugan niya. Kaya minabuti na lang niya na ilapag muna sa isang tabi ang kanyang bag para ayusin ang hinigaan. Wala naman iyong kaso sa kanya.

Tinanggalan niya ng punda ang dalawang unan. Lalabhan muna niya iyon bago ibalik sa tabihan. Ganoon din ang comforter kahit na isang gabi lang niyang ginamit. Matapos ibalik sa ayos ang sofa bed ay nahagip pa ng paningin niya si Sanji na nakatingin sa kanya buhat sa labas. Nakatikim tuloy ito ng irap sa kanya. Hindi niya napigilan dahil naiinis siya rito.

Bitbit ang punda at comforter na lumabas na siya ng silid nito. Mamaya na lang niya kukunin ang bag niya pagkatapos labhan ang mga ginamit sa pagtulog. Nakakahiya naman kung iuutos pa niya iyon sa iba.


A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now