Chapter 18

10K 409 27
                                    

KALALABAS lang ni Anria sa silid na tinutuluyan ng siya ring bukas ng pinto sa silid ni Sanji. Si Mrs. Hinari ang nakita niya.

"Napansin mo ba kung nasaan si Sanji, hija?" May pag-aalala sa boses nito.

Umiling siya. "Hindi pa po uli, eh."

"Ibig sabihin umalis siya ng bahay," parang nanghihinang anas nito.

"M-May nangyari po ba, Señora?"

"May mga bagay lang na hindi namin napagkasunduan kanina. Oh, please, hija, help me to find him."

Tumango siya. "Sige po." Iniwan na niya ang Ginang at hinayon na ang hagdanan. Clueless din siya kung saan pumunta si Sanji. Kagigising lang kasi niya ng hapong iyon kaya wala talaga siyang ideya sa nangyari kanina.

Dumiretso siya sa kusina at nagtanong sa naabutang kawaksi.

"Ate Merly, napansin niyo po ba kung saan pumunta si Sanji?"

Umiling ito. "Hindi. Kanina pa nga hinahanap ni Señora si Señorito."

Nakagat niya ang ibabang-labi. Saan naman niya ngayon hahanapin si Sanji? Sobrang lawak ng hacienda para makita agad ito.

"Subukan mong hanapin sa tree house niya malapit sa may talon," suhistiyon ni Kimie. Sinabi rin nito kung saan ang daan papunta roon. "Madali mo lang makikita ang tree house ni Señorito."

"Sige po." Walang pagdadalawang isip na pinuntahan niya ang sinabing lugar ng kawaksi.

Lakad takbo ang ginawa niya papunta sa tinutukoy na tree house ni Ate Kimie. Hiling lang niya na sana ay naroon nga si Sanji. Kung anuman ang hindi pinagkasunduan ni Sanji at ng ina nito ay tiyak niya na big deal iyon. Aalis ba ng bahay si Sanji kung simpleng bagay lang iyon?

"Puwede namang magmukmok na lang sa kuwarto niya pero mas pinili pa niyang sa malayo mag emo."

Binilisan pa niya ang takbo. Nang makalampas siya sa nagtataasang talahib ay natanawan na niya ang isang malaking puno na may bahay sa taas. It must be the tree house of Sanji. Napapaligiran din iyon ng mga puno. At hindi kalayuan doon ay ang waterfalls na sinasabi noon ni Sanji sa kanya. Nakaka-enchant ang naturang lugar. Ngunit bago pa niya makalimutan ang pakay ay isinang tabi na muna niya ang pagkamangha sa buong lugar. Kailangan muna niyang mahanap si Sanji.

Hingal na hingal pa siya ng tuluyang makarating sa may malaking puno. Hindi niya mawari kung anong klaseng puno iyon. May kataasan pati iyon. Nag-sign of the cross muna siya bago nag-umpisang umakyat sa pinaka-hagdan na yari sa lubid. Pulang-pula pa ang kanyang kamay ng makaakyat sa pinaka-balkonahe ng tree house.

Pinagpag niya ang mga kamay bago naglakad palapit sa may bubog na bintana. Sumilip siya roon. Nakahinga siya ng maluwag ng makita ang kanyang pakay na nakahigang padapa sa kama na naroon.

Maingat na binuksan niya ang pintuan. Mabuti na lang at hindi iyon lumikha ng ingay. What a perfect place to be alone, aniya sa isip.

Marahan at ubod ng ingat din ng maglakad siya palapit sa kinahihigaan ni Sanji. Medyo inilibot pa niya ang tingin sa paligid. Para lang iyong kuwarto. Kuwarto na malayo sa kabihasnan dahil walang kuryente. A typical tree house of a guy.

Malamang na dito naglalaro noon si Sanji. Noong bata pa ito. Hindi natuloy ang paglapit niya kay Sanji dahil naagaw ang atensiyon niya sa isang larawan na nakapatong sa may lamesa na naroon. Doon siya dinala ng kanyang mga paa para makita ang naturang larawan. Larawan iyon ng isang batang lalaki at batang babae. Mukhang limang taong gulang lang 'yung batang babae. Kung wagas ang ngiti ng batang lalaki ay kabaligtaran naman iyon ng batang babae na nakasimangot. Mukhang ayaw magpa-picture kasama ang batang lalaki. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang ang pagbundol ng kaba mula sa kanyang dibdib ng dahil lang sa pagtitig sa naturang larawan. She felt weird that moment.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now