Chapter 27

12.2K 403 69
                                    

FOR OPEN MINDED ONLY. BAWAL SA BATA ^_^


*****************


NA-FREEZE sa kinatatayuan si Anria ng marinig ang tanong na iyon ni Sanji. Narinig ba talaga niya iyon? O, baka naman guni-guni lang niya?

Lumunok siya ng kung ilang beses dahil parang may malaking kung ano na nakabara sa kanyang lalamunan. Pati paghinga niya ay halos magbuhol-buhol din. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating niya ang harapan ng pintuan.

"I'm asking you, Anria."

Tinanong nga talaga niya iyon. Napalunok uli siya. Huminga siya ng malalim bago sumagot. "H-Hindi." Hindi siya puwedeng makipag-relasyon. Para saan pa? Aalis din naman siya.

"Sabi rin ng Lolo mo," mahina nitong sabi.

Napamaang siya. Hindi tuloy niya napigilan ang sarili na humarap dito. "Paanong sabi ng Lolo?"

Nagkibit balikat ito. Lumapit uli ito sa kanya na hindi nilulubayan ang tingin niya. "Siya mismo ang nagsabi sa akin kagabi kahit na hindi ko naman itinatanong. Naisip ko nga na ang unfair naman yata? May mas bata pa nga sa iyo na kung ilan na ang naging boyfriend. Pero naisip ko rin na inaalagaan ka lang nila."

Kung alam lang nito na mga magulang talaga niya ang may ayaw. Gusto rin tuloy niyang itanong na kung bakit ang unfair ng buhay? Lalo na ngayon. Siya at si Sanji. Abot kamay niya ito kung tutuusin. Pero hindi puwedeng maging sila. Komplekado masyado ang sitwasyon. At kahit itanggi pa niya ng paulit-ulit sa lahat ay isa lang ang alam ng puso at isip niya. Gusto niya si Sanji. Gustong-gusto. Fine, nagseselos nga siya sa inakala niyang pini-flirt nitong babae. Masisisi ba siya nito? May damdamin siyang pilit na itinatago rito. At natatakot siyang malaman nito iyon. Iyon ang unang beses na naramdaman niya ang hindi pamilyar na pakiramdam na iyon kay Sanji.

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ako puwedeng pumasok sa kahit na anong klaseng pakikipag-relasyon." Oras kasi na malaman iyon ng kanyang mga magulang ay tiyak na papauwiin siya ng mga ito. Which is ayaw pa niyang mangyari. She have almost four months to left na gusto niyang sulitin ng husto. At isa pa ay ngayon pa lang siya mas nag-e-enjoy sa Pilipinas. Thanks to him.

He sigh. "As long as I can be with you walang kaso sa akin iyon. Just don't let any other guy to near you or else he will be sorry."

Nang mga oras na iyon ay parang gusto niyang maglupasay sa sahig dahil sa sinabi ni Sanji. He's damn serious at walang bakas na pagbibiro sa guwapo nitong mukha ng tingnan niya ito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na maramdaman. She want to squek out loud ngunit walang boses na lumalabas sa nakaawang niyang labi. Kinikilig siya, oo, ngunit hindi niya magawang i-express ang sariling nararamdaman ng mga oras na iyon dahil para siyang nakatulos sa kinatatayuan habang nakatitig lang dito. Speechless siya.

"Ayokong mag-explain, Anria, dahil hindi ako sanay sa ganito," sabi pa nito na lumapit sa kanya ng husto. Umangat ang dalawa nitong kamay at sinapo ang mukha niya. "Kung puwede ipaparamdam ko na lang sa iyo," anito bago tinawid ang pagitan nila.

He kissed her fully on her lips. His passionate kiss melted her knee in just a second. Those pair of sweet lips of him... she missed him a lot. Everything about him.

At first nag-hesitate siyang tumugon sa mainit nitong halik sa kadahilanang hindi niya alam kung paano.

"Kiss me back," nagsusumamong anas ni Sanji sa pagitan ng paghalik nito sa kanya.

Pumikit siya ng mariin. Kasabay niyon ay ang pagtugon niya sa mainit nitong halik. Bahala na kung paano. Ginaya na lang niya ang ginagawa nito. Isinantabi na rin muna niya ang mga pangambang nararamdaman at nagpaubaya kay Sanji. It was her first time na mahalikan ng ganoon. Seems like expert si Sanji sa larangan ng paghalik kahit na sinabi nito noon na siya rin ang first kiss nito.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now