7

242 15 5
                                    

•|•

“So what's the plan?” Tanong ni HK kay Soobin habang sumisimsim sa hawak niyang wine glass.

Nasa loob silang lahat ngayon ng kanilang haven, nagpaplano kung paano papabagsakin ang council ng Underworld Society na kinabibilangan nila. Pinaplano nilang pabagsakin ang sarili nilang mga magulang na inaalipin ang mga inosenteng tao.

Kahit sila ay nasasakal na sa mga ito, noong una ay wala naman silang ibang hinangad kundi maging simpleng grupo lang kung saan gumagawa ng musika. Pero natagpuan nalang nila ang sarili nila na nakikipag-patayan sa lugar kung saan parang isang impiyerno.

Madaming nagpapatayan na tao, nagbebenta ng laman, nagbebenta ng ilegal na droga. Ang lugar kung saan legal ang lahat, kahit pa ang pumatay.

Pinasok sila doon ng sariling mga magulang para maging malakas hanggang sa itinanghal sila bilang mga prinsipe ng lugar na yon.

Ang dating TXT na walang ibang ginawa kundi kumanta at gumawa ng musika ay kabilang na ngayon sa organisasyon kung saan madaming tao ang nadadamay.

Sa murang edad, nagawa nilang kumitil ng buhay. Sa murang edad, namulat ang mga mata nila sa mga bagay-bagay na hindi nakikita ng mga simpleng tao lang. Sa buhay na meron sila, may posibilidad na mawala sila.

Ang mga magulang nila ang may pakana nito, hindi nila maintindihan kung bakit nagkaroon ng ganong klaseng organisasyon kung saan legal lahat kahit pa ang pagpatay. Gusto nilang patigilin ang mga ito pero nang subukan nilang gawin yon ay ikinulong lang sila ng mga magulang nila sa isang madilim na kwarto at nilalatigo araw-araw. Ganon ang nangyari sa kanila sa loob ng isang buwan.

Sinubukan na nilang humingi ng tulong sa hari pero wala ding nangyari dahil hawak din ito ng mga magulang nila sa leeg. Humingi na din sila ng tulong sa iba pang makapangyarihan na organisasyon pero kahit ang mga yon ay walang naging talab sa lakas na meron ang mga magulang nila.

“We need to find the Alpha. Siya lang ang tanging tao na makakatulong sa atin. The Alpha got all the power and connections that we need to destroy the Underworld Society.” Sagot ni Soobin habag blangkong nakatingin sa ceiling ng kwarto nila.

Ang Alpha. Ang pinaka-malakas at pinaka-makapangyarihan na tao sa Organisasyong yun. Mas mataas pa ito sa mismong hari. Ang tao na kaisa-isang taong sinusunod ng council at ang taong makakapag-pahinto sa patuloy na paglaganap ng Underworld Society.

Nalaman nila ito sa libro kung saan nakasaad ang history ng Underworld Society, kung paano ito nagsimula 300 years ago at kung paano nagpasa-pasa ng trono ang hari at mga prinsipe. Pati na ang mga naging Alpha nito, kung paano ito ka-makakapang-yarihan.

At ayon sa libro, ang Alpha sa henerasyon na ito ay buhay pa. Ngunit, hindi mawari kung nasaan ito. Nananatiling misteryo ang biglang pagka-wala ng Alpha, ang biglang paglaho nito sa libro, ang biglang paglaho nito sa Organisasyon.

At ngayon, pinaplano nila itong hanapin para matupad ang mithiin nila na mapatumba ang mga magulang nika. Pero paano? Saan? Saan sila magsisumula na maghanap? Eh ni-kahit isang detalye kung saan pwedeng mahanap ang Alpha ay wala silang kaalam-alam.


Bumuntong hininga si Taehyun saka naglagay din ng wine sa baso niya at inisahang nilagok yun. “We need to find a way to find him. Kailangan na kailangan na natin siya, malapit na ang panahon kung saan papatay na naman tayo. We only have 2 months left.”

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now