23

181 17 7
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

"Let's go home." Ma-otoridad niyang sabi ng makaharap na namin siya.

"Y-Your arm, it's bleeding." Pagpuna ko sa braso niyang nagdudugo hanggang sa kamao niya. Ngunit hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang ako.

Pinasok niya ang kamay niya sa bulsa niya at nakapamulsang naglakad paalis. Wala kaming ibang ginawa kundi sundan lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa napakalaking gate ng palasyo.

"Yeonjun, you have to tell us-" Hindi pa natatapos ni Taehyun ang dapat na sasabihin niya nang putulin na yun ni Yeonjun.

"Yeah, I know. For now let's just go home."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni HK. "We should call it a day."

Napapikit nalang din ako saka bumuntong-hininga. This day is very tiring and it's because of the council. Mga matatandang hukluban na walang magawa sa buhay. Punyeta sila.

•|•

Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa sala ng unit ko. It's been thirty minutes since we got home at nakapag-ayos na din ako. Tatawagin nalang daw kami ni Yeonjun para makapag-usap-usap. But until now, there is still no Yeonjun who'll call me.

I sighed heavily as I stood up. Mukhang nakatulog na si Yeonjun dahil sa pagod, siguro it's time for me to rest too.

Dumiretso ako sa kwarto ko saka humiga sa kama. Naalala ko tuloy na ganito din ang pwesto ko noong kidnapin ako. Hindi magandang pangyayari yun at hindi ko na dapat hayaang maulit yun sa sarili ko.

From now on kailangan ko ng protektahan ang sarili ko at lumayo sa gulo. That was a traumatizing moment of my life that I wouldn't like to happen again. Ayoko na ding pahirapan ang TXT, masiyado na silang maraming nagawa sa akin.

I can't let them fight for me again. Kapag nagkakasama kaming anim yun lang ay kung ililigtas nila ako.

Sa pagkakaalam ko ay trained na ako pero wala pa din akong nagawa. Mahirap talaga kapag hindi ka alerto at pinapabayaan mo ang sarili mo. Inisip ko kasi na hindi nila ako magagawang saktan hangga't nasa puder ako ng TXT pero mali ako. Hindi ko akalain na ganon ka-makapangyarihan ang council para magawang dukutin ako.

I will do my best not to let that happen again.

Huminga muna ako ng malalim bago pumikit. Napahikab ako sa antok kaya inayos ko na ang kumot ko sa katawan at niyakap ang unan sa tabi ko. Sinubukan kong matulog pero hindi pa nagka-kalahating oras nang pikit ako ng biglang may kumatok sa pinto.

I groaned then cover my ears with pillow. Konti nalang! Konti nalang nararamdaman ko ng makakatulog na ako! Argh! Curse that person.

Muling kumatok ang kung sino man sa pinto kaya inis akong tumayo sa kama ko. Mabibigat ang mga hakbang ko habang naglalakad papunta sa harapan ng pinto. Papikit-pikit pa ako.

"Who is it?" Tanong ko gamit ang antok na tinig.

"Open this darn door, Heidi." Otomatikong nanlaki ang mga mata ko at nawala ang antok ko ng marinig ang boses na yun.

Kilala ko na agad kung sino yun dahil siya lang naman ang kaisa-isang tao na tumatawag sa akin gamit ang first name ko.

Agad kong inayos ang sarili ko bago buksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang isang taong aakalain mong robot na may mini-aircon sa katawan na mas malamig pa sa totoong aircon. Kapag kaharap mo siya manlalamig ka talaga.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now