11

199 15 6
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON


“Teka lang naman! Naglalaro yung tao eh.” Reklamo ni Yeonjun nang kunin ko sa kaniya yung controller ng nilalaro niyang video game.

“Fuck off, Yeonjun. You've been playing since three am in the morning, hindi ako nakatulog sa kaingayan mo at sobrang kalat naman nitong sala ko dahil sayo. You're the mess creator here in my condo. Bakit hindi ka manggulo sa sarili mong unit?” I said then rolled my eyes.

Bumagsak naman ang balikat niya saka pinahaba ang natural na mapupulang nguso niya. He's really such a kid most of the times.

Minsan nakakairita na din siya kasi napaka-isip bata niya at inii-spoil niya ang sarili niya sa akin. Nang dahil sa kaniya tuloy parang ayoko ng magkaroon ng anak. Sa kakulitan niya para akong may anak na sampu.

“I'm just playing around.”

“You call this playing around? Samantalang ako nasasakripisyo ko ang tulog ko dahil sayo.” Tinuro ko ang pintuan. “Lumayas ka na dito. Kung gusto mo doon ka sa unit ni Soobin manggulo.”

“Ang bad mo. Alam mo namang makakapatay si Soobin ng tao kapag nadumihan yung unit niya. Kahit nga magasgasan mo lang yung isa sa mga gamit niya automatic mababalian ka ng buto.”

“Mabuti na nga yon para wala mg makulit dito.”

Sinimulan ko ang pagpulot ng mga basura na ikinalat niya dito sa sala ko. Habang nagpupulot ako nararamadaman ko ang pagtitig niya, alam kong ayaw niya pang umalis dito pero inaantok na talaga ako. Hindi ako makakatulog hangga't nandito siya.

“Edi wala ng magbabantay sayo.”

“I can handle myself, Yeonjun. I'm not a damsel in distress like before, I'm a well trained woman to protect myself from any harm now. Kaya ko na kahit wala kayo.”

“Nakakatampo ka talaga magsalita.” Aniya gamit ang nagtatampong boses saka tumayo na parang nagdadabog. Umirap pa nga siya sa akin bago maglakad papunta sa pintuan.

Natawa nalang ako dahil sa pagiging bata niya. He's already a 19 year old grown man but his mind... let's just not talk about it.


Sinara na niya ang pinto saka tuluyang lumayas. Ako naman ay pinagpatuloy ang paglilinis ng unit ko. Inabot ako ng isang oras bago matapos.

I'm all alone now... nandito ako sa loob ng kwarto ko at nakahilata sa kama ko. Mag-isa at walang makausap. I can't help myself not to overthink, I can't help myself not to think about my family and friends.

My Mommy and Daddy, si kuya at si Blight. Si Chloe. It's been 6 months since I left, it's been 6 months since I sacrifice my social life just to be the mafia princess. To protect them and the other innocent people.

I missed them. So much.

Kamusta na kaya sila? Maayos kaya sila ngayon? Si Mom? Si Dad? Si Blight? Maayos kaya ang pag-aaral niya? Si Chloe, may boyftiend na kaya siya? Hell.

I miss my old life. The normal life that I've ever wanted, it's impossible to reach now. Yung normal na pagpasok lang sa school, yung normal na kasama lang ang pamilya at nakikipag-tawanan.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon