HEIDI GHAYLE QUIZON
“Eat that first and take your medicine before I go out.” Sabi ko habang nakaturo sa lamesa kung nasaan ang mga hinanda kong pagkain.
Kumunot ng bahagya ang noo niya saka mas lalo pa akong tinititigan. Namumula pa din ang buong mukha niya pero hindi na kagaya ng kanina. Ang kaninang Beomgyu na mababakasan mo ng sakit at paghihina ay nawala na. The strong and emotionless Beomgyu is already back like there was nothing happened earlier.
“Don't worry, kakainin ko ang niluto mo at iinom din ako ng gamot. Hindi mo na kailangang makita yon so you can go.” Pagtataboy niya pa din sa akin.
“I know you Beomgyu, you're a stubborn little moron. Kailangan kong makita na kinain mo yan,” I said while still pointing my fingers at the chopseuy. “at ininom mo yung gamot mo so I can assure that you will be okay before I leave. Don't worry, after you've done those things I will leave immediately.” I said, assuring him.
Bumuha siya ng hangin saka pumikit. “Ang tigas ng ulo mo.” Aniya bilang pagsuko.
Napangisi nalang ako dahil sa pagkapanalo. Para akong nanalo sa isang debate kalaban siya. “I am not the stubborn woman you know for nothing.”
“Tss. Shut up.” Asik niya bago umupo sa upuan at nagsimulang kumain.
Ako naman ay nakatayo lang sa gilid niya habang pinapanood siya. Inaamin ko na inaabangan ko din ang reaksyon niya sa niluto ko. Napakagat ako ng labi ng dahan-dahan siyang lumingon dito sa direksyon ko.
“Stop watching me while eating.” Aniya gamit ang masungit na boses.
“Oh, sorry—”
“Eat with me.” Dugtong niya na ikinatanga ko.
“Huh?”
Napairap siya bago sumagot. “Are you deaf? I said, eat with me. Hindi ko mauubos ang lahat ng to, it's too much for me. Ang dami mo kasing niluto.” Reklamo niya saka nagpatuloy.
“Ang arte mo. Mukha namang mauubos mo yan dahil sarap na sarap ka. Tignan mo nga oh, nakalahati mo na yung ulam.” Sabi ko saka tinaasan siya ng kilay.
Napaangat naman ang tingin niya sa mangkok na kanina lang ay punong-puno pa at ngayon ay nangangalahati na. Sunod-sunod kasi ang pagsubo niya kanina kaya hindi niya napansin.
Sus, kunwari pa.
Bigla siyang naubo kaya agad niyang inabot ang baso ng tubig na nasa gilid niya. Nang makahinga na siya ng maluwag, doon niya na ako hinarap pero hindi siya makatingin sa mga mata ko.
“It's because I didn't had dinner last night and breakfast as well so I was starving.” Palusot niya.
“Admit it. Nasarapan ka sa luto ko.” Pang-aasar ko pa sa kaniya.
“In your dreams.” Aniya. Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti.
Kinuha niya ang gamot na nakahanda para inumin niya saka yun ipinasok sa bibig niya at sinabayan ng tubig. Pagkatapos ay tumayo na siya saka hinawakan ako sa braso, pigil na pigil ko ang sarili ko para hindi matawa sa inaakto niya.
“You already saw me eating and took my medicine, now, get out. Bye.” Yun ang huling sinabi niya saka sinraduhan ako ng pinto.
Doon ko na nilabas ang pinipigil kong tawa.
His ego and pride are really important to him. And he is protecting it in a cute way.
•|•

YOU ARE READING
It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️
Random"It all started when I met him..."- Heidi Ghayle Quizon Beomgyu × Heidi TXT Series #3