16

200 15 10
                                    

•|•

"Where the fck is she?!" Sigaw ni Beomgyu kasabay ng pagbato niya sa vase na nahawakan niya. Tumama yon sa pader na sanhi ng pagkabasag nito. "She's been missing for almost 3 hours!"

"Relax, Beomgyu. I called her earlier but she didn't answered it." Kalmadong saad ni Soobin.

Inis na umupo si Beomgyu sa upuan saka napasabunot ng buhok. "You know we can't lose her. She's our only hope and if there's something bad happen to her, fck! Forgive me." Aniya saka marahas na bumuga ng hangin.

Kumpleto silang lima ngayon dito sa headquarters nila sa underground place ng building kung nasaan ang units nila. Nagawa nila ang lugar na ito dahil sila naman ang nagmamay-ari ng buong building na to kaya may karapatan sila.

Silang lima lang ang nakakaalam ng lugar na to, balak din nilang sabihin ito kay Ghayle kaso wala silang panahon dahil kahit sila ay madalang nalang kung magkita. Ngayon lang sila ulit nagkasama-sama dahil isa itong emergency.

"Ahm, guys." Napalingon silang lahat kay Yeonjun na nagsalita bigla. "Blain just called me, nakabalik na ang council and they are ready to introduce the new king. So it means, this is the time." Kinakabahang saad ni Yeonjun.

Napatayo si Beomgyu saka napasuntok sa lamesa dahil sa galit. "Why the hell! Bakit ang aga? Akala ko ba ay sa dalawang buwan pa ipapakilala ang bagong hari?!" Gigil na sigaw ni Beomgyu.

"Beomgyu-"

"Hindi ako papayag! If they will introduce that new fcking king to us that means I will definitely lose her. I can't lose her, I love her so much. Hindi ako papayag na maging reyna siya ng bagong hari na yon. Reyna ko siya, hindi siya pwedeng maging reyna ng iba." Bulong nito na bakas na bakas ang galit. "Darn it."

"Kami rin naman Beomgyu, ayaw naming maging reyna siya ng iba. We know that she is your queen and she is our princess. Hindi din kami papayag na mapunta lang siya sa isang pipityuging lalaki na yun." Si HK ang nagsalita.

"Kailangan na talaga nating makita si Ghayle bago magsimula ang serimonya. We need to find a way to find her." Sabat ni Taehyun bago humarap kay Soobin. "Soobin, you said earlier that you called Ghayle. Maybe HK can track her phone."

"Oo nga no, ba't di ko naisip yan." Si Yeonjun na napakamot ng batok.

"Paano mo maiisip e, wala ka namang isip." Irap ni HK sa kaniya.

"Lah. Ba't mo alam? Top 1 ka dati no? Talino mo." Sarkastikong sabi naman ni Yeonjun pabalik sa kaniya.

"Shut up, the both of you." Pagpapatigil ni Soobin sa kanilang dalawa. "HK, here's my phone. Track her now." Utos ni Soobin kay HK.

Kinuha naman agad ni HK ang phone. "Copy."

Mabilis siyang naglakad papunta sa lugar niya at diretsong umupo sa swivel chair niya. Agad siyang nagtipa ng kung anu-ano sa laptop niya. Ibang klaseng laptop yon at ang may mga karapatang magkaroon lang non ay ang mga hacker na katulad niya.

"One second." Sabi ni HK habang patuloy pa din sa pagtipa. Hindi mo na nga yata masusundan ang daliri niya sa sobrang bilis niya. "I found her. She's at the... bakit nasa lugar siya nila Ash?" Takang tanong ni HK.

"This letter might be the answer to your question. I found it at her unit." Si Taehyun habang hawak-hawak ang isang papel kung saan nakapaloob ang sulat ni Ash para kay Beomgyu.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now