33

204 12 14
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

“Pinatawag mo daw ako?” Tanong ko sa kaniya na ngayon ay nakaharap sa laptop niya. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin at patuloy lang siya sa ginagawa niya sa laptop niya.

Tinawag ako ni Soobin sa ibaba at sinabing pinapatawag ako ng asungot na to, wala naman na akong ibang nagawa kundi sundin yung utos niya.

“I just want to tell something to you.” Aniya gamit ang malamig na tinig.

Umirap ako bago siya sgutin. “Ano ba yon?”

Dalawang araw na simula noong pangyayaring yun na hindi ko malilimutan sa buong buhay ko. Sa dalawang araw na din na yon ay ngayon lang ulit kami nakapag-usap ng ganito. Wala naman akong balak na puntahan siya dito, pinilit lang ako ni Soobin. Tss, siya itong leader pero parang mas takot pa siya kay Beomgyu.

“Since butler Lee is on leave, you will be my temporary assistant until he came back.” Aniya.

Napairap ako. “Yun lang? Wala—teka ano?! Me? Assistant mo?! Are joking or what?” Inis kong tanong sa kaniya na habang hindi makapaniwalang nakaturo sa sarili ko.

“Do I look like I'm joking?” Seryosong tanong niya pabalik.

“Wow, at first you ask me to be your group's princess, second you ask me to be the mother figure of Mead, third to be your girlfriend slash toy and your asking me again for another favor, to be your asisstant? What's next? To be your babysitter?” I cross my arms infront of him, finally I caught his attention. “Hindi man lang ba sumagi ni minsan sa isipan mo na sumosobra ka na?”

Nagbuntong-hininga siya bago ako sagutin. “Look, I did not call you here to complain. I'm not asking for your permission, I just said it to you para aware ka. Now, you can leave.” Sabi niya saka muling ibinalik ang tingin sa laptop niya.

“You are being unreasonable Choi Beomgyu, you are being too much!” Inis na sigaw ko sa kaniya.

Pero parang walang naging epekto yun sa kaniya, ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit na anong emosyong dumaan sa mga mata niya. Is he that heartless right now? Ganyan na ba siya ka-walang pakialam sa paligid niya. Napupuno naglakad pako papalapit sa kaniya at kinuha ang laptop sa lap niya at walag sabi-sabing binato yun.

Dumiretso yun sa kabilang dulo ng kama at kitang-kita ko mula dito ang dahilan kung bakit hindi maalis ni Beomgyu ang tingin sa screen ng laptop niya. Isa yung video.

“Love! Stop messing my hair, alam mo ba kung ilang oras kong inayos to?” Sabi ng pamilyar na babae sa video, si Niana. “Akin na nga to!” Sigaw niya saka nagkagulo-gulo na yung video, malamang sa malamang ay inagaw niya yung camera.

Maya-maya, lumitaw sa screen ng laptop ang hindi ko inaasahang makikita, si Beomgyu yun... habang tumatawa at punong-puno ng kaligayahan ang mga mata.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“Love, tandaan mo ang araw na to. It is March 29, 2018, ito ang unang labas natin as a couple.” Sabi ni Niana sa video habang nakatutok pa din ang cam kay Beomgyu.

Nakangiting tumango si Beomgyu. “Sure! Next time itatanan na kita para wala ka ng takas.” Mapaglaro ang boses na yun ni Beomgyu, ni-isang beses hindi ko nahimigan yun sa kaniya.

Bago ko pa man marinig ang susunod na sasabihin ni Niana ay binato na ni Beomgyu ng unan yung laptop na nahibg sanhi ng pagka-bagsak nun sa sahig at namatay.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now