43

273 16 11
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

Natapos na ang labanan at lahat ngunit ito pa din ako at hindi makapaniwalang nakatingin sa mga taong nakahandusay ngayon sa sahig. Wala sa sariling napalunok ako. Ngayon ko lang nakita ng buong-buo kung paano makipag-away ang TXT napatunayan kong halimaw nga silang lahat. Parang lumabas ang demonyo na nakakubli sa kanila kanina.

Lalo na si Yeonjun, kinilabutan ako sa ginawa niyang pagtawa kanina habang pinagsisipa ang kalaban niya. Parang hindi ko siya nakilala.

Damn, kaibigan ko ba talaga silang lahat.

“What time is it?” Naputol ako sa pag-iisip dahil sa biglang pagtanong ni Niana.

“A-Ahh...” Tinignan ko ang relo ko. “8-8:50?!” Patanong kong sigaw.

Ngumisi siya sa akin na parang ipinagmamayabang niyang tama siya. “I told you. Tignan mo sila, ni isa sa kanila ay walang nagalusan kaya tuwing mangyayari ulit ang ganito ay huwag ka ng mag-aalala. Pinalaki silang merong demonyong nakakubli sa kanila, para silang halimaw na wala kang ibang magagawa kundi katakutan.” Aniya.

Hindi ako nakapagsalita. Seryoso ba siya? Huwag akong mag-alala? Maiiwasan ko ba yun? Imposible naman ang mga sinasabi niya. Gusto ko siyang sagutin ngunit mas pinanatili ko nalang ang sarili ko na tahimik. Wala ding saysay kung papagtanggol ko ang sarili ko, mas matagal niyang nakasama ang lima kaya mas kilala niya ang mga to kaysa sa akin.

Napayuko ako at napatingin sa suot kong sapatos. Wala na naman akong naitulong sa kanila ngayon. Pakiramdam ko talaga ay isa lang akong pabigat sa kanila.

“Hey, are you okay?” Inangat ko ang tingin ko nang may magsalita sa harap ko. Si Beomgyu habang nakatingin sakin ng nag-aalala.

“Bakit ako ang tinatanong mo niyan eh ikaw ang sumabak sa gulo? Ikaw, ayos ka lang ba?” Inalis ko ang nararamdaman kong panlulumo saka nginitian siya.

“I'm totally fine.” Nagulat ako nung bigla niya akong yakapin. “Thanks for staying safe.”

Hindi ako nakapagsalita at hinayaan nalang siyang yakapin ako.

Bakit? Ano bang mangyayari kapag hindi ko pinanatili ang sarili kong ligtas?

Gustong-gusto kong itanong sa kaniya yun ngunit pinangunahan ako bigla ng kaba kaya parang nabuhol ang dila ko at hindi nakapag-salita. Niyakap ko nalang siya pabalik saka siniksik ang mukha ko sa dibdib niya.

“Napagod ako doon, umuwi na tayo guys!” Si Yeonjun na bumalik na naman sa pagka-abnoy. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay hindi ko alam kung bakit bigla akong napaiwas ako ng tingin. Biglang bumalik sa utak ko kanina ang itsura niya.

“Niana and mr. Hulzen, kayo na ang bahala sa Alpha. Alam niyo na ang gagawin niyo.” Si Yeonjun kay Niana and Tear.

“Kami na ang bahala, Yeonj.” Bahagya pang ngumiti si Niana sa kaniya.

“Thanks, siguradong bukas ay kaharap na natin ang Alpha. Sigurado akong aayon lahat sa plano ko. Hahahaha!” Tawa niya ngunit iba ang tawang yon kaysa sa kanina. Normal ang pagtawa niya ngayon hindi gaya kanina na kikilabutan ka talaga.

Habang pauwi kami ay tahimik pa din ako. Tinanong ako ni Beomgyu kung ano ang problema, sinabi ko nalang na masakit ang ulo ko at hindi niya na ako kinausap pa. Ramdam niya sigurong wala akong gana magsalita.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now