31

188 14 10
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON


Dumiretso ako sa kwarto matapos ang pangyayaring yon. Nadaanan ko pa nga ang mga lalaking walang malay sa baba ngunit hindi ko na yon pinansin.

Pagkapasok na pagkapasok napagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso ako sa loob ng banyo saka doon umiyak na parang isang paslit. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko tsaka doon mahinang humagulgol.

Hindi magka-mayaw ang mga luha ko sa pagpatak, nag-uunahan ang mga ito sa pagtulo.

Ang sakit sakit pala talaga kapag sinampal ka ng katotohanang isa kalang laruan para sa kaniya. Na wala kang halaga sa kaniya kahit gaano mo pa ipag-siksikan ang sarili mo sa kaniya.

Gaga ka kasi, bakit ka pa umasa.

Sermon ng isang bahagi ng utak ko.

Doon ako mas lalong umiyak. Ang tanga-tanga ko dahil napaniwala niya ako sa mga salita niya. Ang tanga ko kasi pumayag ako sa deal niya kahit na alam kong kamatyran yon. Ang tanga-tanga ko kasi... kasi... ang tanga ko kasi umasa ako.

Umasa ako na magagawa ko siyang mapag-move on kay Niana. Ang tanga ko kasi inisip ko na pwede akong pumalit sa babaeng yon sa puso niya.

Natawa nalang ako ng mahina dahil sa sarili ko. Dapat matagal ko ng hininto ang nararamdaman kong ito sa kaniya, dapat hangga't maaga pa ay inalis ko na yon sa sistema ko. But it is too late for me to do that, I'm already hurt. I'm already in pain because of him.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, ngayon pumasok lahat sa isip ko ang katangahan na ginawa ko. Mygosh Ghayle, you are not like this. Hindi ka dapat umiiyak ng ganyan para lang sa isang lalaking hambog, walang kwenta, bastos, arogante at mayabang. Ang mga lalaking ganon ay hindi dapat iniiyakan.

Pilit kong isinisiksik yan sa kokote ko ngunit wala itong nagawa. Patuloy pa din sa pag-ahos ang luha ko.

What did I do to him to suffer like this? Ang sakit-sakit sa damdamin. He hurted my ego and pride as a woman.

I think, the game is over.

<\>

Nagising ako dahil sa isang katok mula sa labas. “Ma'am, pinapatawag na po kayo sa baba. Kakain na daw po ng hapunan.”

Dinilat ko ang mga mata ko at nilibot ng tingin ang paligid. Hindi ko matandaan kung paano ako napunta dito sa kama ko, sa pagkakatanda ko ay nasa loob ako ng banyo. At gabi na? Nakatulog ako? Oh, siguro nakatulog ako sa sobrang pagod.

“S-Sige, susunod ako.” Sinabi ko nalang para tumigil na yung maid sa kakakatok sa pintuan ko.

Tumihaya ako at humarap sa ceiling, hindi ko alam kung bakit hindi ako nasisilaw sa ilaw ngunit parang nawalan ako ng paki doon.

Tumakas ang isang butil ng luha mula sa mata ko nang maalala ko yung pangyayari kanina. Ito na naman yung parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit.

Sana... sana panaginip nalang ang lahat ng ito. Sana hindi nalang ito totoo edi sana hindi ako nakakaramdam ng ganito.

Niyakap ko ang malaking unan sa tabi ko at doon muling umiyak. Gusto ko na ngang tumigil na sana sa pag-iyak ngunit para bingi ang mga luha ko dahil patuloy lang sila sa pag-patak.

Bakit ba kasi umasa ako? Eh walang-wala ako doon kay Niana. I'm just his toy na kahit kailan ay hindi niya bibigyan ng halaga.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now