18

208 14 7
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

“Nang makilala namin si Beomgyu 6 years ago, he was so distant and he prefer to be alone. He don't want us go near him and we don't have any idea why is he like that...” Sabi niya saka nilingon ako. “Until nung nalaman namin ang buong storya ng buhay niya.”

Nakita ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya. Napapikit din siya. Ganon ba kahirap sabihin yon para magka-ganyan siya?

“We all know that his parents is one of the council at alam din natin ang kayang gawin ng mga ito to the point na ikinulong nila ang anak nila sa mansyon simula pagkabata nito.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. “Simula noong bata si Beomgyu, hindi siya nakalabas ng mansyon nila, wanna know why?”

“Why?” Bigla akong pumiyok sa panghihina.

“His parents want him to be a monster that he is right now. Gusto ng mga magulang niya na katakutan din siya ng marami katulad nila kaya ikinulong nila si Beomgyu doon para i-train how to be like them. Hangga't hindi natatapos ni Beomgyu ang training niya ay hindi siya makakalabas ng mansyon nila. Biruin mo ha,” Ngumiti siya bigla pero nakikita ko sa mga mata niya ang kalungkutan para sa kaibigan niya. “Wala siyang ideya sa kung ano mang meron sa labas; sa mundo, dahil palagi siyang nakakulong. Parang nung simula noong ipanganak siya nagkaroon na agad siya ng napakalaking kasalanan para ikulong ng ganon katagal.”

His palm turn into fist. His jaw clenched and his awra went dark. He's mad. Ngayon ko lang nakita si Yeonjun na ganito. At ako, bakit hindi ako makahinga? Bakit ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko?

“It took many years until he was done to his training. Alam mo kung ano pa yung mas nakakagalit? His parents brainwashed him na lahat ng taong makikilala niya ay gagamitin lang siya that's why he was so distant, dahil doon, dahil sa sinabi ng mga walang kwentang magulang niya sa kaniya. Believe it or not, pero noong mga panahong yun nagmistulang aso si Beomgyu sa mga magulang niya, sunud-sunuran at parang may taling naka pulupot sa leeg niya.”

“Ang tagal ng panahon bago namin makuha ang tiwala niya hanggang sa sumali siya sa banda namin bilang vocalist. Naging masaya kami sa sandaling panahon hanggang sa pinilit na kaming ipasok ng mga magulang namin sa Underworld Society. Doon na namin naranasan ang totoong impiyerno.” Napatingala siya sa langit saka huminga ng malalim.

“Naghirap kami sa mga panahong yun at tuluyang nabura ang mga pangarap namin bilang simpleng tao. Nagawa naming pumatay, we did illegal things just for our parents. Until that girl came into our lives...” Bigla siyang ngumiti ng banggitin niya yon. “Siya ang nakapag-pabago ng buhay namin. Sa kaniya, nagkaroon kami ng pangako na hindi na kami papatay at huwag ng sundin ang pinapagawa ng mga magulang namin sa amin. Dahil sa kaniya ay lumakas ang loob namin. And the more special thing about her is, she's Beomgyu's queen and we treat her as our princess.”

“She's... Niana?” Bulong ko na ikinatango niya.

“Mahal na mahal ni Beomgyu ang babaeng yun. Si Niana lang ang nakapag-pangiti kay Beomgyu at nagpa-kilig. Nakalimutan ko na nga kung anong itsura ni Beomgyu kapag binabanatan siya ni Niana e, sa sobrang tagal na kasi, signs of aging na ba to?” Natawa siya sa sariling joke niya.

Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha niya habang kinukwento niya sa akin ang babaeng bumago sa buhay nila. Siguro nga malaking pagbabago ang nagawa ng babaeng yun, she must be very important to them. I wish I could be her— no, surely, I couldn't be like her.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now