44

226 19 14
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

“Kinakabahan ako, HK.” Nasabi ko sa kaniya habang abala siya sa pag-aayos sa mukha ko.

“Teka wag kang malikot, hindi ako makapag-concentrate.” Reklamo niya. “Tsaka pwede ba, wag ka ngang kabahan. Kung may kakabahan man sa atin ay dapat kami yon. Bakit ka ba kinakabahan eh daddy mo naman yon.” Salubong pa ang kilay niya habang sinasabi yon. Halatang nagpo-focus siya sa ginagawa niya.

“Tumakas lang ako sa mansyon, remember? At kapag nakaharap niya na ako ay malamang ay magagalit sa akin yun. Sasabihin niya ay kasalanan ko kung bakit ako nakidnap, sasabihin niyang dahil sa katigasan ng ulo ko yun.”

“Hayaan mo na, ang mahalaga ay nakaharap na namin siya at makukumbinsi na din siyang umalig sa pwersa natin.” Aniya. Bahagya nong napaluwag ang pakiramdam ko.
Sa isiping yon ay pakiramdam ko ay sa wakas may kwenta na ako kahit papaano. May maitutulong din kaso sa kanila sa wakas kahit pa ako lang naman ang anak ng Alpha.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na si HK sa paglalagay ng mga kunyaring pasa sa mukha ko. Hindi talaga ako makapaniwalang ginagawa namin itong pang-isip-bata na planong ito, pero nandito na eh hindi na ako pwedeng umatras. At isa pa kahit papaano naman ay gumana yung plano.

“Damn, natatae ako sa kaba.” Si Yeonjun. Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.

“Kadiri ka, dre.” Si HK. Inirapan lang siya ni Yeonjun.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Soobin. Isa siya sa pinaka-kinakabahan sa aming lahat dahil siya ang leader at parang siya ang tumatayong spokesman ng grupo nila. Siya ang kakausap mamaya kay Daddy at siya din ang hihinging pabor dito.

“Soobin,” Nilingon niya ako. “Uhm, d-don't worry. I will help you to convince Dad.” Bahagya ko pa siyang nginitian.

Ngumiti din naman siya pabalik sa akin kaso pilit lang. “Thanks.”

“Eh ako Ghayle? Hindi mo din ba ako sasabihan ng don't worry?” Singit bigla ni Yeonjun.

“Tse! Mamatay ka diyan sa kaba.”

Ngumuso siya. “Hindi mo talaga ako mahal.”

“Teka guys, I'll go to my unit then get my phone, nakalimutan ko eh.” Si HK na biglang tumayo. Halata din sa kaniyang kinakabahan siya.

“Bilisan mo lang.” Si Beomgyu habang blangko lang ang mukhang nakaupo sa couch.

Tumango si HK at tinungo ang pintuan. Pagkabukas na pagkabukas niya non ay nagtaka ako kung bakit bigla siyang nag-bow. Nangunot ang mga noo namin habang nakatingin sa kaniya ngunit napalitan agad yon ng panlalaki ng mga mata namin matapos marinig ang malalim at puno ng otoridad na boses.

Dad.

“Boy, tell me where my daughter is.” Dinig kong utos niya kay HK.

Kitang-kita ko ang panginginig ng tuhod ni HK. Ako naman ay parang nauubusan ng hangin dahil sa kaba.

“S-Sure.” Utal na sagot ni HK sa kaniya.

Nakita kong nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto para papasukin si Daddy. Paghakbang na paghakbang ni Daddy sa loob ay sa akin dumiretso ang tingin niya.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt