38

187 14 5
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

Dahan-dahan kong hinawakan ang door knob ng pintuan ng kwarto ko at lumabas doon. I tried my best not to make any noise para hindi magising sa mahimbing na pagtulog ang mga tao dito sa mansyon.

Alas dos ng madaling araw ngayon at sa pang-limang beses, gagawin ko na naman ang binabalak kong pagtakas.

I need to help them, TXT. This would be a big help for them knowing that my father is the long lost Alpha of the Underworld society. Mas lalaki ang tiyansa na mapa-bagsak nila ang council kapag nalaman nila ang kinaroroonan ng Alpha.

I wonder what would be their reaction if they found out that my father was the man has been missing for a long time.

Luminga-linga ako paligid para tignan kung may taong gising pa ba at ngumisi ako nang makitang wala na.

Dala-dala ang aking flashlight, dahan-dahan akong bumaba sa grand staircase ng bahay at dumiretso sa maindoor.

It's been 6 days since I finally got home at anim na araw na din akong kulong dito sa mansyon. Hindi ako pinapayagan ni Daddy na lumabas dahil alam niyang babalik lang ako sa grupong inaakala niya ay masama. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang kinumbinsi pero nanatili pa ding sarado ang utak niya sa mga sinasabi ko sa kaniya.

Sa tuwing babalakin kong tumakas ng bahay ay palagi niya akong nahuhuli. Damn his Alpha instinct.

Pero ngayon, alam kong magtatagumpay—

“Where are you going, little sweet?” Nanlaki ang mga mata ko nang sumalubong sa akin si Daddy pagkabukas na pagkabukas ko ng maindoor. “Trying to escape?”

“I don't want to eat.” Pagtanggi ko sa pagkaing ibinigay niya sa akin.

“Pero anak, halos magda-dalawang linggo ka ng hindi kumakain.” Nahihimig ko ang pag-aalala sa boses ng Mommy ko na kanina pa ako pinipilit na kumain.

Kahit kumakalam na ang sikmura ko ko, hindi ko pa din siya pinansin. Gusto kong patunayan sa kanila na desidido ako sa ginagawa ako.

Bakit ba kasi hindi nila maintindihan ang gagawin ko? Naiintindihan ko naman na nag-aalala sila sa akin bilang mga magulang pero hindi ba nila naisip na ilang libong tao ang masasagip ang buhay kapag nalaman ng TXT na ang ama ko pala ay ang Alpha?

Bakit hindi nila binubuksan ang puso nila sa isiping yon? And I am very disappointed to my Dad, he is the Alpha at responsibilidad niyang protektahan ang mga nasasakupan niya sa Underworld society pero anong ginagawa niya? Tumakas na siya noon sa responsibilidad niya bakit hindi siya bumawi ngayon?

Meron ng mga taong tutulong sa kaniya ngayon pero bakit ngayon pa siya naduwag?

“Just leave me alone.” Gamit ang nanghihinang boses, tinaboy ko siya.

“Ghay—”

“Just... get out.” Labag man sa loob kong bastusin ang Momny ko, wala na akong ibang maisip na paraan kundi mag-rebelde.

Narinig ko ang pag-buntong hininga niya at ang pagbukas sara ng pintuan, senyales na umalis na siya.

Napapikit naman ako saka napahawak sa kumukulo kong simura. Kung payat na ako dati, mas payat ako ngayon. Two weeks of not eating, this might be the cause of my death.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora