32

209 16 11
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

Lumipas ang dalawang oras bago makabalik si HK dito sa kwarto ni Mead. Sa loob ng dalawang oras na paghihintay ay wala akong ginawa kundi titigan lang si Mead na mahimbing na natutulog ngayon.

Dahil sa batang yon naalala ko si Blight, ang bunso kong kapatid. Bigla akong nakaramdam ng pangungulila na naman sa pamilya ko.

“Are you alright?” Nagising ako mula sa tanong na yon ni HK. Nakalimutan kong kasama ko na pala siya ngayon.

Napakurap ako ng maraming beses bago ko siya sagutin. Nakakahiya, nakita niya akong tulala. “Uhm, sorry. Oo, ayos lang ako.” Sagot ko sa kaniya.

Kitang-kita dito sa garden ang bilog at maliwanag na buwan ngayong gabi. Punong-puno din ng mga bituwin ang kalangitan kaya sobrang sarap nitong titigan.

Dito sa hardin ng mansyon ni Beomgyu napag-desiyunan namin na mag-usap, para daw maaliwalas ang paligid. Patawa din itong si HK, kung gusto niya pala ng maaliwalas na paligid dapat nung may araw niya pa ako kinausap. Hating gabi na kasi ngayon, mabuti nalang at hindi pa ako dinadapuan ng antok.

“What happened here? Nabanggit ni Beomgyu na may labanang naganap kanina dito.”

“Pumunta yung tatay niya dito para kunin sa amin si Mead kasama ang tatlong tauhan niya. Hindi ko alam kung paano niya kami natunton dahil ang sabi sa akin ni Beomgyu ay hindi daw alam ng mga magulang niya na may mansyon siyang ganito dito.” Sabi ko saka bumuntong hininga.

“Is that the reason why you cried?” Natahimik ako sa itinanong niyang yon. “Come on, spill it. Hindi gagaan yang pakiramdam mo hangga't hindi ka naglalabas ng sama ng loob sa akin.”

Napangiti ako ng sabihin niya yon. I am just so lucky that I have someone on my side like him who's willing to listen to my problems. Kahit papaano nararamdaman kong hindi ako nag-iisa at may tao akong masasandalan.

Bumuga muna ako ng hangin para mapalakas ang loob ko saka ko siya tinignan sa mga mata. “Maniniwala kaba kapag sinabi kong ex-boyfriend ko na yang kaibigan mong si Beomgyu?” Doon na kumunot ang noo niya.

“Ex-boyfriend? Mo si Beomgyu? W-What do you mean?” Litong tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago siya sagutin. “After what happened to him and Niana at the palace, I don't know what but he started to act weird. Doon niya ako pinatira sa unit niya para daw alagaan ko si Mead at mabantayan niya ako ng maayos though halos magkatabi lang naman kami ng unit. Pagkatapos nun, he is starting to be OA, yung tipong hindi niya talaga ako pinapalabas o hindi man lang siya nagpapapasok sa unit niya.”

“One day, ang sabi niya ay pupunta kami dito para mapagbigyan ang gusto ni Mead, at ilang araw matapos nun ang anniversary nila ni Niana. Tumawag si Yeonjun sa akin bago yun, ang sabi niya ay wag akong aalis sa tabi ni Beomgyu at tulungan ko yung tao.” Sabi ko habang inaalala yung mga pangyayari.

“That's true, nag-iibang tao talaga si Beomgyu kapag dumadatinghung araw na yon.” Dagdag niya.

“Indeed, ibang-iba nga siya. Sa sobrang pag-iiba niya, dumating yyng punto na hilingin niya sa akin na maging girlfriend niya ako.” Napasinghap siya ng sabihin ko yun. “Nung time na yun, walang ibang pumasok sa isip ko kundi yung sinabi sa akin ni Yeonj at ako naman itong si tanga, pumayag sa gusto ni Beomgyu. Na hindi ko na dapat ginawa. I thought tama yung ginawa ko, I thought matutulungan ko siya pero hindi. Hindi ko naisip na siya lang ang pwedeng umayos ng problema niyang yun dahil siya lang ang makaka-tulong sa sarili niya.”

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon