41

276 17 15
                                        

</>

“Sigurado na ba talaga kayong gagawin natin to?” Kabadong tanong ni Ghayle sa lima na ngayon ay prente lang na nakaupo sa couch.

Si Yeonjun ang sumagot. “Sa loob ng tatlong araw na pinalipas natin ay kinakabahan ka pa din?”

“Of course! Sangkot si Daddy dito kaya hindi ko maiwasang hindi kabahan. Isa pa, paano kung hindi tayo magtagumpay? What if we fail?” Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya sa nerbyos na nararamdaman.

“Hay naku, Ghayle. Wala ka bang tiwala sa gwapo kong mukha? Chill ka lang kasi. Maupo ka lang muna habang hinihintay natin ang text ni Niana.” Ininom ni Yeonjun ang beer in can na nasa tapat nilang mesa.

Umirap nalang si Ghayle saka umupo sa tabi ni Soobin. Hindi niya maiwasang hindi kabahan a mangyayari mamaya. Ngayon na kasi ang itinakdang araw para gawin ang plano nila, hinintay lang kasi nilang gumaling ang mga sugat ni Beomgyu sa katawan kaya kinailangan pa nilang maghintay ng tatlong araw.

Hindi niya alam kung magtatagumpay ba sila o hindi. Napakamot siya ng ulo maya-maya ay nakaramdam siya ng isang mainit na palad sa kamay niya. Tinignan niya kung sino yun at nakita niya si Beomgyu na nakapikit lang at hawak-hawak ang isang kamay niya.

Napangiti naman siya dahil kahit hindi ito mag-salita, alam niyang pinapakalma siya nito. Huminga nalang siya ng malalim saka pinaglaruan ang kamay ni Beomgyu.

Maya-maya, narinig nila ang pag-beep ng phone ni Yeonjun.

Nakahanap na sila ng location.” Ani ni Yeonjun. Hudyat para tumayo na silang lahat.

Kahit nanginginig ang mga tuhod ni Ghayle ay nagawa niya pa ding tumayo kahit papaano. Hawak-hawak pa din ni Beomgyu ang kamay niya at naramdaman niya ang pagpisil nito.

“Everything's gonna be alright.”

<\

Nang makadating sila sa location, napagtanto nilang isa itong abandonadong gusali namalamang ay dating ospital base sa pangalan nito sa taas.

Tiningala muna nilang ang lahat ang kabuuan ng gusali, nababalutan ito ng lumot na nagpamukha pang luma dito. Ang mga bintana ay basag-basag na din. Wala ka na ding makikitang  pintuan dito at ang kabuuan ng labas nito ay punong-puno ng matatayog na damo at puno.

“Tamang-tama ang nakuha nilang location.” Nakangiting sabi ni Yeonjun. Ang director ng gagawin nilang palabas.

“Indeed.” Dagdag ni HK.

“Let's go inside.” Si Soobin ang nagsalita at nauna ng maglakad. Sumunod naman silang lima.

Habang tinatahak ang papasok sa ospital, hawak-hawak pa din ni Beomgyu ang kamay ni Ghayle. Tuwang-tuwa siya at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang hawak ang kamay nito.

Si Ghayle naman ay sari-sari ang emosyon na nararamdaman. Kaba, takot, pag-aalala at nerbyos. Naghalo-halo ang lahat sa utak niya. Naisip niya nga na mas okay pa sa kaniyang sumabak sa isang labanan kaysa gawin ito. Kinakabahan kasi siya sa kaisipang baka hindi sila magtagumpay.

Habang mahigpit na hawak ang kamay ni Ghayle, mabilis na lumapit si Beomgyu sa dalaga habang hindi nakatingin sa kanila ang iba nilang kaibigan. Mabilis niya itong hinalikan sa pisngi na ikinakislot naman ni Ghayle.

“What was that for?!” Pasigaw na bulong ni Ghayle. Namula siya bigla dahil sa halik na yon.

“I just want you to calm down. You look terribly nervous.” Dahilan ni Beomgyu kahit naman na ay hindi yon ang totoo niyang rason.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now