39

223 20 8
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

Lahat ng tuwa na naramdaman ko kanina ay biglang nawala nang makita ko ang itsura niya.

Ang mukha niyang puro galos. Kitang-kita ko ang black eye niya sa kanang mata niya. Ang malaking gasgas sa pisngi niya at ang labi niya na halos pumutok na. Meron ding band-aid sa ilong niya.

Wala siyang suot na damit dahil naka-benda ang buong katawan niya. Parang pinipiga ang puso ko sa sakit sa kaalamang dahil sa akin nagkaganyan siya.

Ang buong braso niya ay punong-puno ng pasa pati na ang mukha niya, halos hindi ko na nga siya makilala dahil doon.

I can almost feel my heart hurting. Nararamdaman ko ang unti-unting pagkapunit non at pagpipiraso-piraso.

Habang nakatingin sa kaniya kitang-kita ko agad kung gaano kahirap yung dinanas niya para lang sa akin. Biglang sumikip ang dibdib ko, gustong-gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka kasi maputol ang pagpapahinga niya dahil doon.

I don't know what have I done to my past life to deserve him. Bigla akong pinanghinaan ng loob pero pinalis ko din agad yon, inisip ko nalang na napaka-swerte kong babae para mahalin ako ng isang Choi Beomgyu.

Iba pala talaga siya magmahal. Kung magmahal siya ay siguradong ibibigay niya ang lahat, yung tipong mauubos talaga siya.

Don't worry Beomgyu, I will make it up to you.

“Everything's gonna be alright.” Inalis ko ang nakaharang na buhok sa mukha niya at marahan siyang hinalikan sa noo.

Ngayong hawak ko na ang alas, makakabawi na din ako sa mga sakit ng ulo na idinulot ko sa TXT. Makakabawi na din ako sa wakas. Ang kailangan ko nalang gawin ay kumbinsihin ng maigi si Daddy, kailangan kong makapag-isip ng mas alternatibong paraan para mapapayag siya. Yun nga lang mukhang mahihirapan ako.

Pero naisip ko, wala naman akong ibang gagawin kundi pilitin lamang si Daddy. Walang-wala yon kaysa sa mga isinakripisyo ng TXT para sa akin, para sa mga ginawa nila. They even risk their lives just to save me. Kaya pagkakataon ko na to para mabayaran ang pagkakautang ko sa kanila.

Sabay-sabay naming pagbabayarin ang council sa mga pasakit na dinala nila sa buhay namin, lalong-lalo na kay Beomgyu. Sapat na ang ilang taon na paghihirap niya at panahon na para tapusin yon ngayon.

Sobrang dami na niyang pinagdaanan sa kamay ng council at siguro sapat na yon. Hinding-hindi ko na hahayaan pang masaktan pa siyang muli ng mga ito.

I will risk everything, even my own life.

Sandali ko pa siyang tinitigan. Pinagsawa ko muna ang mga mata ko sa mukha niya bago ko napag-desisyunang tumayo at maligo. Ilang araw na akong nanlalagkit dahil hindi ko magawang maligo dala ng panghihina. Hindi ako kumain ng higit isang linggo kaya malamang sa malamang ay mawawalan talaga ako ng lakas sa katawan.

Naglakad na ako papuntang banyo ni Beomgyu at naligo. Ngayon lang ako tinubuan ng hiya nang mapagtanto kong humarap ako kay Niana nang hindi naliligo. At nang makita ko ang isura ko kanina sa salamin ay napangiwi nalang ako, para akong pulubi o kaya basurera sa kalye. Kulang nalang ay malagyan ng grasa ang buong mukha ko ay mukha na talaga akong basurera. I wonder how did she recognized me. Ang gulo-gulo ng buhok ko at ang mukha ko ay mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang laki pa ng eyebags ko at namumutla pa ang labi ko.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now