Epilogue

334 18 19
                                    

-Waaah! Andwaeee! Epilogue na ba talaga?! Naiiyak ako sa tuwa dahil natapos ko din sa wakas ang story na to. Noong una ay wala na talaga akong balak ituloy tong story na to dahil nahihirapan ako sa plot, sa mga action scenes etc. Hindi pala madaling gumawa ng ganitong story. Kaya hindi ko talaga akalaing matatapos ko to. Thanks God! Binigyan niya ako ng mas malawak na isip para dito.

-Guys this will be the last. See you at Taehyun's story, sana suportahan niyo din yon katulad ng pag-suporta niyo dito.

-Enjoy ;)

HEIDI GHAYLE QUIZON

“Mom! Bakit naman po hindi niyo ako ginising? It's the first day of school and I can't be late!” Inis na saad ko habang nagmamadaling bumaba ng hagdan. Humalik ako sa pisngi nila ni Dad. “Good morning, Dad.” Bati ko dito.

“Baby, third year college ka na at nagpapagising ka pa din sa akin?” Tinaasan ako ng kilay ni Mommy kaya mas napanguso ako.

Hindi na ako umimik dahil kasalanan ko din naman pala. Nakakainis! Bakit kasi hindi tumunog yung alarm clock ko! Argh!

Binilisan ko nalang ang pagkain para makaalis ako agad. Wala na din si Blight dito siguro ay kanina pa yon nakapasok. Hindi man lang niya ako naisip, yung batang yon.

“Bye Mom! Bye Dad!” Kaway ko sa kanila habang inaayos ang buhok ko.

Pumasok na ako sa loob ng kotse at sinabi kay kuya Bernard na sa school ako dalhin. Mabuti na nga lang at pinapasok pa ako sa loob ng school. Nang makapag-park na kami sa parking lot ay mabilis akong nagpasalamat kay kuya Bernard at lumabas ng kotse.

Napapikit nalang ako dahil wala ng estudyanteng naglalakad sa paligid. Tanging ako nalang. Nakakairita!

5 months had passed at pasukan na ngayon. Hindi ako bumalik ng second year college dahil pinilit ako ni Chloe na kumuha ng acceleration exam para sabay daw kami at classmates pa din. Hindi niya kasi talaga yata layang hindi nakikita ang pagmumukha ko.

Limang buwan na din ang lumipas simula noong bumalik sa dati ang buhay ko. Bumalik sa pagiging simple ang lahat, hindi ko na kailangang kabahan dahil wala naman ng kakaba-kaba na mangyayari pa. Parang biglang nagkaroon na din sa wakas ang mala-action movie kong buhay.

Kaso may kulang. Bumalik nga sa dati ang buhay ko kaso may hindi bumalik eh, meron pa ding kulang.

Limang buwan na ang nakakaraan pero hindi pa din siy nagpaparamdam sa akin. Silang lima actually pero mas kailangan ko siya. Kahit isang tawag, isang text o sulat, kahit ano basta sa kaniya galing ay wala akong natanggap.

Noong sinabi sa akin ni Daddy na nawasak na ng tuluyan ang Underworld society ay akala ko babalik na kami sa dati ni Beomgyu. Akala ko magkakasama na ulit kami kaso mas pinili niyang huwag muna.

Hindi ko man alam ang dahilan ay hinayaan ko nalang siya. Alam ko namang alam niya ang ginagawa niya. Alam kong darating din ang araw na babalikan niya ako, ang sabi niya ay papakasalan niya pa ako kaya kailangan niyang tuparin yun. Alam kong hindi niya ako iiwanan sa ere kaya kahit mahirap man, maghihintay pa din ako.

Mabilis kong tinungo ang kwarto namin dito sa first floor ng Pimentel Building. Mabuti na nga lang at nasa first floor lang ang room ko kundi bago pa ako makapag-aral ay naghihingalo na agad ako.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now