12

203 14 3
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

After what happened to the mall, I decided to stay at my unit nalang for good. Hindi na ako lumabas pagkatapos non. So bale isang linggo na akong nakakulong dito.

Alam ko namang pinapahanap na ako nina Chloe ngayon kasama ang mga magulang ko. Alam ko na nagkaroon sila ng pag-asa na makikita pa nila ulit ako pagkatapos ng nangyari. I know them, once they've got a chance even a bit that I'm still alive, they will hold that chance. Alam kong hindi sila titigil sa paghahanap sa akin hangga't hindi ako nakikita.

And that made me guilty even more. Lalo lang nitong pinabigat ang damdamin ko. Nahihirapan ang pamilya ko ng dahil sa akin, ang pamilya na nag-aruga sa akin, ang pamilya na minahal ko at ako... nahihirapan sila dahil sa akin.

Kung pwede lang talaga.

Kung pwede ko lang talaga sanang labagin yung rule para makasama sila gagawin ko kaso hindi pwede. I know that I have a choice but I choose to stay at this world for the sake of many people. Kasi alam ko, kapag may ginawa akong hindi maganda ay maraming madadamay. Mas maraming pamilya ang maghihirap, hindi lang ako.

Kaya mas okay nang ako nalang.

Hindi kakayanin ng konsensya konna sumira ng pamilya dahil lang sa kagustuhan ko.

I closed my eyes then tried to sleep... again, pero ang espirito ng kaantukan ay hindi lumalapit sa akin. Uminom na ako ng gatas lahat-lahat but still, it didn't work.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga saka sinuot ang night gown ko. Magpapahangin nalang muna ako, baka sakaling antukin ako. Dumiretso ako sa veranda saka sumandal sa railings doon.

Kitang-kita mula dito ang kagandahan ng buong siyudad, napapikit nalang ako saka dinama ang hangin na tumatama sa balat ko. It's been a long time since I did this. Ang peaceful talaga kapag ang kaharap mo ay hangin. Na kapag malungkot ka, kahit ano mang oras ay pwede ka niyang yakapin.

"It's late, why are you still awake?" Napadilat ako ng makarinig ng boses galing sa malapit.

Hinanap ko kung saan yun nanggaling at nakita ko yun sa kaliwang banda ko. Si Beomgyu na nakasuot ng sweatshirt habang may hawak-hawak na tasa ng kape at nakatingin sa akin.

"I'm still not sleepy." Sagot ko saka ibinaling ang tingin sa mga bituwin. Nararamdaman ko pa din ang pagtitig niya sa akin pero hindi ko na siya tinignang muli. "Why are you here? Himala yata. Wala ba kayong hunting session ngayon?" Pagtukoy ko sa paghahanap nila sa Alpha.

"I want to rest so I stay here and were not doing a hunting session."

"Sus, parang ganon na din naman yung ginagawa niyo."

"Whatever." Pagkatapos non, nanahimik na kaming dalawa.

Pagkatapos ng isang linggo, ngayon nalang ulit kami nagkausap ng kolokoy na to. Paano ba naman kasi, lagi silang wala at hindi ko din naman ugali na bisitahin sila sa mga unit nila. Sa loob ng isang buwan, mga dalawang beses ko lang siyang nakikita. Sa kanilang lima, siya ang pinaka-madalang na magpakita. Ewan ko sa kaniya masiyadong busy.

"Beomgyu, can I ask you something?" Pambabasag ko sa katahimikan.

"You're already asking."

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now