35

270 16 8
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

“This day is so boring.” Pangalumbaba ni Yeonjun dito sa sala.

“Indeed.” Pagsang-ayon ni Taehyun sa kaniya.

Napabuntong-hininga nalang ako saka napanguso nalang. Tama sila, this day was so boring. Wala kaming ibang ginagawa ngayon kundi umupo sa sala at manood ng tv. Kanina pa kami ganito, siguro mga dalawang oras na.

Wala din naman kasing magandang palabas sa tv kaya nakakatamad ding manood. Heto nga at ang sala ay puno ng balat ng mga pinag-kainan namin. Mamaya ko na lang yan ililigpit.

“Titamy, can we go swim?” Si Mead bigla ang nagsalita.

Muling bumuka ang maingay na bibig ni Yeonjun. “Good idea, Mead! Apir!” At nag-apir pa ang dalawa.

“Si Titody mo ang tanungin mo.” Sabi ko.

“But he's not here po.” Sabi niya. Oo nga, kanina pa nawawala si Beomgyu dito pero sanay naman na ako sa pagiging absent ng presensya niya. “Maybe he is at his room, go and ask him.”

Biglang ngumuso si Mead at nagpa-cute pa sa akin. “Uhm, Titamy... pwedeng ikaw nalang po? Please? Ayaw ko pong pumunta sa kwarto ni Titody kasi po sobrang dilim doon eh.” Aniya habang nanunulis ang nguso.

Nag-dalawang isip naman ako sa gusto niya. Takot si Mead sa madilim kaya naiintindihan kong ayaw niyang pumunta pero bakit ako pa? Nilingon ko si Yeonjun pero wala na ito sa kaninang pwesto niya, malamang sa malamang ay naghanap ito ng salbabida. Wala din dito si HK tsaka Soobin dahil may gagawin daw silang dalawa tapos alangan namang utusan ko pa tong si Taehyun eh tamad na nga tong huminga paaakyatin ko pa sa itaas.

Napabuntong-hininga nalang ako, I guess I have no choice. Ako nalang ang pupunta.

Nandito na ako ngayom sa harap ng pinto ng kwarto ni Beomgyu. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito eh, hindi naman ito ang unang beses kong makakapasok dito. Pumikit ako saka huminga ng malalim bago ko katukin yung pinto.

Tatlong beses lang akong kumatok saka ko na tinawag ang pangalan niya. “Beomgyu, si Ghayle ito.” Pilit na pilit ko yung sarili ko na mautal, mabuti nalang at nagawa ko.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko lalo na noong marinig ko ang mga yabag niya sa loob. Nagbilang lang ako ng limang segundo at nagbukas na yon, sinalubong ako ng wala sa sariling si Choi Beomgyu.

“What are you doing here?” Aniya gamit ang tamad na himig.

Hindi ko maiwasang magtaka sa itsura niya ngayon. Magulo ang buhok, gusot ang damit at ang suot niyang tsinelas ay iisa lang. Malayong-malayo ito sa composed na Beomgyu na kilala ko.

Gusto kong tanungin kung ano ang nangyari sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko namang babarahin niya lang ako at mapapahiya na naman ako.

“Uhm, gusto ni Mead na mag-swimming. Pwede ba kaming maligo sa pool?” Tanong ko sa kaniya habang iniiwasan ko ang mga titig niya.

Hindi ko kinakaya ang intensidad ng pagtitig ng mga walang buhay niyang mga mata, parang tunatagos yun sa buong pagkatao ko. Mas gusto ko nalang tuloy matunaw ngayon sa kinatatayuan ko.

Nagulat ako nung ngumiti siya, isang malungkot na ngiti. Ang mga mata niya ay parang ano mang oras ngayon ay pipikit na. “You look... pretty.” Yun lang ang sinabi niya pagkatapos ay bigla siyang bumagsak... patumba sa akin.

Muntik naman akong matumba dahil sa bigat niya mabuti nalang at naalalayan ko siya agad. Noong mahawakan ko siya, doon ko nahawakan ang napaka-init niyang balat. Mataas ang lagnat ng loko.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon