25

245 16 24
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

“Nagtatampo na ako...” He said while pouting his lips.

I raised my eyebrows then asked him. “Bakit naman?”

“It seems that you forgot that I am also your baby.” Sabi niya saka niyakap ako. Naaasiwang humiwalay ako ng yakap sa kaniya.

“Kahit kailan hindi kita naging baby, Yeonjun. Feeling ka lang talaga.” Sabi ko na mas ikinahaba pa ng nguso niya.

“Hindi mo na kasi ako pinapansin at puro nalang yang si Mead ang inaatupag mo.” Nginuso niya pa si Mead na ngayon ay naglalaro ng video games. “Hindi mo na nga ako pinagbe-bake ng cookies.”

“It's not my obligation to bake cookies for you. Masiyado na yatang makapal ang mukha mo ano? At wag ka ngang umasal bata, tanda-tanda mo na.” Sabi ko saka inirapan siya.

“Tanda lang. Pag-tanda-tanda iba na yun.” Bawi niya kaya binatukan ko siya. “Aray naman, Ghayle!”

“Pilosopo ka pang bakulaw ka. Lumayas ka na nga dito bago ka maabutan ni Beomgyu.” Pagtataboy ko sa kaniya.

Nandito kami ngayon sa dining area at nakatayo sa tapat ng lamesa. Maglilinis sana ako ng bahay kaso biglang pumasok dito sa unit itong unggoy na to at nagrereklamo.

Wala si Beomgyu, umalis ito kanina dahil may kailangan daw siyang gawin. Yun din ang naging dahilan kung bakit nakapasok si Yeonjun dito. Hindi kasi siya pinapayagan ni Beomgyu, masiyado kasing makalat itong si Yeonjun. Kulang nalang gawing dumpsite lahat ng pinageesteyan.

“Oo nga. Baka magalit yung asawa mo at isiping may secret relationship tayong dalawa.” He gave me a weird look and even smirked.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Gusto mo masaktan? Ang issue mong gorilla ka! Lumayas ka na nga!”

“Ang sakit mo mag-salita. Kanina unggoy lang ngayon gorilla na. Ano pa next time? Uranggutan?”

“Layas na sabi!” Sabi ko saka tinuro ang pintuan. Mabuti nalang at naka-focus si Mead sa nilalaro niya, baka matakot yun kasi sumisigaw ako.

Sakto namang nagbukas ang pinto at iniluwa si Beomgyu. Otomatikong namutla si Yeonjun nang magtama ang tingin nilang dalawa.

“Hehe, a-ano... kasi may hiniram lang ako kay Ghayle na ano, ano bang tawag dun? A-ahm, ah! Sandok pala! Hahaha, sandok pala yung hiniram ko. T-Tama, sandok nga. Hehe.” Aniya saka tumawa pa ng pilit.

Napairap nalang ako dahil sa ginawa niya. Magsisinungaling nalang hindi pa ginalingan.

“Sandok? I don't have any idea that you knew how to cook.” Sabi ni Beomgyu sa kaniya habang naglalakad papunta sa sofa.

Ginulo niya ang buhok ni Mead na busy pa din hanggang ngayon sa paglalaro. Nang mapansin siya nito ay agad siya nitong niyakap.

“Hi Titody!” Bati niya dito.

Pagkatapos mangyari ng insidenteng yon sa pagitan nilang dalawa naging ganyan na sila ka-close. Para na talaga silang mag-tatay kung umakto. Binibigay lahat ni Beomgyu yung gusto ni Mead at si Mead naman ay grabe kung lumambing sa kaniya.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now