40

284 21 23
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON


“Alam mo ba, Ghayle? Nung nawala ka dito parang baliw na may pagka-timang yan si Beomgyu. Natuluyan dahil na-kidnap ka.” Pagsusumbong sa akin ni Yeonjun habang nakangising nakatingin kay Beomgyu na masama ang tingin sa kaniya ngayon.

Ang lakas ng loob palibhasa alam niyang hindi siya masasaktan ni Beomgyu dahil sa kundisyon nito ngayon.

“Nahuli ko siya minsan kinakausap ang sarili tapos parang baliw na nakatulala sa kung saan. Hindi din kumakain at hindi na din natutulog. Kahit nga yata pagligo ay nakakaligtaan na niya. Ewan ko nalang sa pag-ihi tsaka pag-tae.” Dagdag pa nito kaya napangiwi ako.

Maya-maya, may biglang flower vase ang lumipad tsaka saktong tumama sa mukha ni Yeonjun. Nahulog ito sa sofa patalikod kaya nanlaki ang mga mata ko at akmang tutulungan siya pero pinigilan ako ng mga kamay ni Beomgyu.

“Don't.”

“Pero—”

“Naknampucha, may sakit ka na nga't lahat-lahat nagagawa mo pa din akong maltratuhin.” Reklamo ni Yeonjun habang nakahawak sa ilong niya.

“Bakit hindi mo kasi patahimikin yang bibig mo kahit sandali para hindi ka masaktan?” Si HK ang nagsabi non sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.

“Bakit? Masama bang mag-sumbong?”

“Hindi naman. Ang masama, masiyado ng nakakairita yang boses mo! Ulaga!”

“Ang kapal ng mukha mo, tukmol!”

“Asungot!”

“Engot!”

“Aba, letse ka ah!”

“Humanap ka ng kausap mo!”

“Ha?”

“Ang sabi ko—”

“Hakdog!”

“Lumapit ka sakin ditong hayop ka, mapapatay kita!”

“Hakdog ulit.”

“Huwag mo akong mahakdog-hakdog, Yeonjun! Baka gusto mong mawalan ng hotdog!”

May bigla akong narinig na nagkasa ng barili, pagkatingin ko nakita ko si Soobin na may hawak-hawak na baril at nakatutok doon sa dalawa. Agad namang natigil ang dalawang isip bata sa pagtatalo at itinaas ang dalawang kamay. Marahil ay natakot sa leader nila.

Sino ba naman kasi ang hindi matatakot dito kay Soobin? Kahit hindi mo mahahalata sa kaniya na may ganyang side siya ay matatakot ka pa din. Si Soobin yung tipo ng tao na nasa loob ang kulo.

Kung titignan mo kasi siya ay para lang siyang ordinaryong tao. Inosente ang mukha at parang walang pakialam sa mundo. Hindi mo talaga aakalaing leader siya ng gang group na TXT. Pero habang patagal ng patagal ay nalalaman ko ang dahilan kung bakit siya ang naging leader ng grupo na ito.

Kapag kasi ay nagiging seryoso siya lalo na kapag pinag-usapan ang usapin tungkol sa council, doon mo talaga makikita ang totoong siya. Nakita ko na yun isang beses pero hindi ko na gustong ulitin pa.

Kung nakakatakot si Beomgyu, higit na sampung beses na nakakatakot si Soobin. Ang authority na meron siya ay hindi mapapantayan. Kapag nagsasalita siya ay para siyang isang taong sobrang makapangyarihan, idagdag mo pa kasi ang malalim niyang boses. At yung tipo ng titig na ipupukol niya sayo kapag seryosong-seryoso siya, hinding-hindi mo yun gugustuhin.

Nung minsan ngang tinignan niya ako ng ganon ay hindi ako nakatulog. Nakakapanlambot yang si Soobin kaya ang hirap niyang galitin, nakakatakot. Parang may isang demonyong nakakubli sa katawan niya. Basta!

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now