26

207 17 12
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

“Wow!” Namilog ang mga mata ni Mead matapos makita ang napaka-laking mansyon na nasa harapan namin.

Kahit ako naman, napaawang pa nga ang labi ko sa pagka-mangha habang nakatingin sa kulay puting mansyon na nasa harapan namin ngayon. Hindi ko alam kung nasaang lupalop kami ng Pilipinas ngayon pero parang wala na akong pakialam doon. Basta ang mahalaga ay safe kami kung nasaan kami.

Walang ibang bahay ang nasa paligid ng mansyon. Malayo ito sa kabihasnan at kailangan mo munang dumaan sa isang mala-gubat na daanan bago marating ito.

“Whose mansion is this, Titody? This is amazing! This is wonderful!” Sigaw ni Mead saka tumakbo papasok sa loob ng mansyon.

Doon ko na hinarap si Beomgyu. “Who own this?” Tanong ko sa kaniya.

“Mine.” Maikling sagot niya.

“It's your's? This mansion? You own this mansion?!” Napasigaw pa ako sa pagka-mangha.

Blangko niya akong tinignan. “Are you deaf?” Sabi niya saka naglakad na papasok, sumunod naman ako.

“Does the other TXT members own a mansion like this too?” Tanong ko habang nililibot ng tingin ang paligid.

“Yeah.”

“Wow. I wish I could visit all of their mansions. But wait, does the council know that their kids has a massive mansion like this?”

“No.”

“Why?”

“This is the only place that we could live free. Wala silang alam tungkol dito kaya hindi nila ako nagagalaw o nahahanap.” Napatango-tango ako sa sinabi niya.

“Pero kailangan ba talaga ganito kalaki? Ikaw lang naman ang nakatira dito.”

“I built this house for my future family.” Humina ang boses niya nung sabihin niya yun.

Hindi ko na tinanong kung kanino niya gustong magka-pamilya dahil halata namang kay Niana yun. Baka kapag tinanong ko ay ako naman ang sigaw-sigawan niya.

“And also, I'm not alone here.” Sabi niya bigla.

“Eh? Sino yung kasama mo dito? Don't tell me may pamilya—” Naputol ang dapat na sasabihin ko ng may sumigaw sa pinto ng mansyon.

“Kuya Beomgyu!” Napatingin ako doon at may nakita akong isang batang lalaki. Tumakbo ito palapit kay Beomgyu at niyakap ito.

Kuya Beomgyu?

“How are you, Kyu?” Tanong ni Beomgyu dito saka ginulo ang buhok ng bata.

“Kuya Beomgyu, akala ko po hindi ka na babalik. Na-miss po kita.”

“I miss you too.” Napangiwi ako nang sabihin yon ni Beomgyu. Those words doesn't suit on him.

Humagikgik yung bata. “Kuya, sino po yung batang nasa loob? Kasama niyo po siya?” Napatingin ito sa akin. “And who is she? Your girlfriend, kuya?” Nanlaki ang mga mata ko sa itinanong nung bata.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now