27

219 17 8
                                    

<\>

“How was it?” Tanong niya nang sagutin ni HK ang tawag niya.

Nasa veranda siya ngayon ng kwarto niya. Umagang-umaga pero heto siya at naninigarilyo. Nakaupo siya ngayon habang may isang tasa ng kape sa harap niya na nakapatong sa mini table niya.

“Good news or bad news?” Tanong ng kaibigan sa kaniya pero hindi niya ito sinagot. “Sabi ko nga good news muna.”

“Just spill it, will you?”

“The good news is, I already found Kemuel, he's at the same place. Nasa loob siya ng palasyo at patuloy na tinotorture. The bad news is, he's ready to be killed this day at 1 pm.” Kalmadong sabi ni HK.

Napatayo si Beomgyu sa narinig. “What? What do you mean?”

“On the day that you both fight, he made a deal to the council. He'll kill you at ang kapalit non ay makakaalis na siya sa organisasyon. Pero kapag nabuhay ka pa, buhay naman niya ang kapalit. Nalaman ko yun base sa cctv footage ng kwarto kung saan sila nag-usap. Tss, that's the biggest mistake that he had done to his life.”

Napapikit si Beomgyu saka nilagay sa ash tray ang stick ng sigarilyo na hawak niya. “He's really an idiot. What a pain in the ass. Tell Yeonjun to go there and stop the council for what they're planning. Kapag hindi niya nagawa kamo, I will skin him alive.”

“Copy.” Mabilis na sagot ng kaibiga.

Bumuntong-hininga muna siya bago mag-salitang muli. “How about the Alpha? Any update?”

“Sad to say, wala. Pero bukas, sasabihan ko si Yeonjun na mag-ikot sa buong palasyo. May mga parte pa din ng palasyo na hindi pa nasusuri o nai-imbestigahan. If we found something, I will tell you right away.”

“Good.” Aniya atsaka ibababa na sana ang phone nang mag-salita pa si HK.

“Oh, by the way! Say hi to Ghayle for me—”

“Shut your mouth bago ko pa mapakain ang laman mo sa mga lion.” Agad na banta niya dito.

Agad namang nagtaka si HK sa biglang pagbabago ng mood ng kaibigan. “Huh? What's wrong with you? Ayaw mo bang sabihin sa kaniya? Edi wag, ako nalang ang tatawag sa kaniya mismo.”

Mabilis na pinatay ni Beomgyu ang tawag bago pa man niya maihagis ang phone sa pool dahil sa inis na nararamdaman niya. Napapikit siya upang pakalmahin ang sarili.

“This feeling again... it's consuming my whole system.” Naibulong niya sa sarili.

“Mead! Kyu! Wag nga kayong tumakbo!” Naidilat niya ang mga mata nang marinig ang boses na yon.

Napatingin siya sa baba at doon niya nakita si Ghayle habang hinahabol ang dalawang bata na may dala-dalang salbabida at tumatakbo papunta sa pool. Mukhang maliligo ang dalawang bata.

“Look Mead! It's Kuya! Hi kuya Beomgyu!” Sigaw ni Kyu nang makita siya nito. Kumaway pa ito sa kaniya habang may matamis na ngiti sa labi.

Agad namang napatingin sa kaniya si Mead at Ghayle. Ngumiti si Mead sa kaniya at binati din siya pero hindi niya yon pinansin dahil tutok siya kay Ghayle.

Napairap siya saka tumalikod dahil sa inis na nararamdaman niya pa din. Sinipa niya ang upuan paalis sa daan niya at pumasok ng muli sa kwarto niya. Sinarado niya ng malakas ang sliding door at sinara ang dalawang kurtina na nag-padilim sa kwarto niya.

HEIDI GHAYLE QUIZON

“Ano na namang problema niya?” Naibulong ko matapos kon makita ang ginawang pagdadabog ng aroganteng yon.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now