34

222 15 52
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa sentido ko at dahan-dahang tumayo. Napadami yata masiyado yung alak na ininom ko kagabi, nanghihina tuloy ako.

Bahagya kong minasahe ang ulo ko saka dinilat na ang mga mata ko. Nagtaka ako ng makitang iba na ang suot kong damit. Nagpalit ba ako ng damit kagabi?

Pinilit kong maalala kung anong nangyari kagabi pero wala akong ibang maalala kundi ang pag-iyak ko kay HK tungkol kay Beomgyu at ang nangyari sa aming dalawa— anooooo?!


Kusang nanlaki ang mga mata ko at parang tinakasan ako ng dugo sa buong katawan. Nagsimula akong mag-panic.

Tama ba yung naalala ko? Nagsabi ako ng mga hinanakit ko kay HK tungkol kay Beomgyu at... at may nangyari sa amin? P-Pero, wala naman... sabi nila kapag first time mo ay masakit daw ang ibaba mo pero yung sa akin wala naman, hindi masakit. Pero kahit na! Malay ko naman ay kakaibang kaso yung akin.

Nahawakan ko nalang ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko atsaka doon tumili.

“Waaaaaaaaaaaah! Oh my gooooooosh!” Tili ko napakalakas. “Hindi pwedeeeeeee!” Dagdag ko pa.

Maya-maya, hindi na ako nagulat nung biglang bumukas yung pintuan at bumungad sa akin ang pitong lalaki ng buhay ko. Si Yeonjun na may toothbrush pa sa bibig, si Taehyun na may headphones pa sa tenga, si Kyu at Mead na pareho pang may hawak na laruan, si Soobin na naka-boxer lang, si HK na basa pa na halatang naliligo at si Beomgyu na may hawak na baril.

“What happened? Is there something wrong?” Alalang tanong sa akin ni Beomgyu pero hindi ko siya pinansin ay dumiretso kay HK na basa pa ang katawan at nakatapis lang ng tuwalya ang ibaba.

“Sumama ka sa'kin.” Utos ko saka hinila siya palabas ng kwarto ko.

“Teka, kung re-rape-in mo ako pwede bang hintayin mong matapos akong maligo? O kung gusto mo sabay nalang tayo.” Asar niya pa pero hindi ko yun binigyan ng pansin.

“Mag-uusap tayo, nasaan ang kwarto mo?”

“Mag-uusap lang kailangan sa kwarto ko pa talaga? Haays, alam kong masarap ako—”

“Huening Kai, just tell me where your room is.” Seryoso na ako sa pagkakataong ito.

Mukhang nahalata niya namang seryoso na ako kaya nag-seryoso na din siya. Sa pagkakataong ito, siya naman ang nag-hatak sa akin papasok sa isang kwarto, nasa pinaka-dulo ito.

Binuksan niya yon at pinapasok ako, inaasahan kong kaguluhan ang makikita ko sa loob ng kwarto niya pero mali ako. Ang kwarto niya ay mas malinis pa sa kwarto ng isang babae, ang lahat ay naka-arrange at nakaayon ang lahat sa pwesto nito. Mas malinis pa nga ito sa kwarto ko.

Muntik na akong ngumanga pero naudlot yon sa kayabangang dala ni HK.

“Hindi porket lalaki na ako ay burara na ako. Sa aming lima, I'm the incharge when it is about cleanliness and neatness.” Pagmamayabang niya sa akin.

“Oh, edi ikaw na. I don't care. Ang kailangan ko ay sagot sa katanungan ko.” Sabi ko sa kaniya kaya lumapit siya sa akin. “P-Pero bago yun, mag-bihis ka muna.” Naiilang kasi ako habang naka-balandra sa harapan ko ang fair skin at six pack of abs niya.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Where stories live. Discover now