21

205 15 5
                                    

HEIDI GHAYLE QUIZON

Nagising ako dahil sa kalampag ng pintuan. Napadilat ako at nilinga ang paligid. Hinanap ng mga mata ko ang dalawang mag-kapatid pero hindi ko sila nakita sa kung saan. Marahil ay sila ang lumabas sa pintuan, pero bakit naman nila ako iniwan? Akala ko ba ay babantayan nila ako?

Kung kailan naman bumalik na ang lakas ko tsaka pa sila nawala. My only problem was my hands are still tied. Hindi ko pa din magawang makaalis dito. Nakatali kasi ang dalawa kong kamay sa sandalan ng kinauupuan ko. Napapikit nalang ako sa inis.

I need to think a plan how to get outta here.

Nanlaki ang nga mata ko nang may maramdamang kung anong nakadikit at gumagapang sa kamay ko. Sinubukan kong lumingon sa likuran ko pero wala akong makita dahil madilim. Napakagat ako ng labi...

Sana hindi, sana hindi...

"Please don't tell me that it is a..." Hindi pa ako tapos magsalita nang mag-ingay na ang nilalang na gumagapang sa likod ko. "...snake!" Napasigaw na ako dahil sa takot.

Sa lahat ng hayop, ang ahas ang pinaka-ayaw ko at kinakatakutan ko. I hate them, really. It all started when an accident happened when I was kid. Namasyal kami ng mga magulang ko sa isang zoo then suddenly, when I sat under the tree, may naramdaman akong may gumagapang sa ulo ko at nalaman ko na isa pala yong ahas. After that, I started to hate snakes and isa pa, takot din ako sa kanila.

And now, paano nangyaring may ahas dito!

"Argh! Help! Please! Someone, help me!" Sigaw ko habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakatali.

Patuloy sa pag-gapang ang ahas hanggang sa makarating ito sa balikat ko. Dahan-dahan ko itong nilingon at nakita ko ang kulay dilaw na ahas na yon. Gumapang ito papunta sa leeg ko paakyat sa mukha ko.

Hindi ko napigilan ang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon dahil sa takot at nararamdaman ko ang panginginig ko.

Nasa tuktok na ng ulo ko ngayon ag ahas kaya hindi ko magawang sumigaw. Ano mang oras ngayon ay kayang-kaya ako nitong tuklawin at pwede akong mamatay dahil sa lason na dala nito.

"Please Beomgyu, don't be late again..." Biglang kumawala sa bibig ko ang mga salitang yon ng hindi ko namamalayan.

Ang kaninang lakas na nanumbalik sa katawan ko ay agad na nawala. Nawawalan na din ako ng pag-asa na makaalis dito. I cried harder because of that thought, why is this happening to me? All I wanted was a normal life and then I'm here, naghihirap ako para sa mga bagay na wala akong kinalaman.

Ilang beses kong sinubukang humingi ng tulong mula sa labas pero hanggang sa mapaos ako ay walang dumating na tulong.

Ang ahas ay nasa hita ko na, kanina pa ito paikot-ikot sa katawan ko at laking pasalamat ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa din ako nito tinutuklaw. Siguro ay busog pa ito kaya hindi pa ako kinakain.

Malaking ahas ito, sa tingin ko nga ay kasing laki ko ito idagdag mo pa na mataba ito kaya mabigat. Ang dila nito ay mahaba at ang tunog nito ang nagbibigay ng takot sa katawan ko.

Unti-unti, parang isang sigarilyong nauupos ay nawawala na ang pag-asa ko na makaalis pa dito. Ni hindi ko man lang mapakawalan ang sarili ko mula sa pagkakatali ko, kahit pag-galaw ay hindi ko magawa.

Ang TXT, gumagawa kaya sila ng paraan para mahanap ako? Are they worried? Are they finding a way to find me? How about Beomgyu? Is he finding me? Sana ay mahanap niya ulit ako katulad ng ginawa niya nakaraan.

But maybe not, maybe he's not finding a way to found me at all. Kasi kung oo, kanina niya pa ako nahanap.

Lalong rumagasa ang pag-agos ng luha pababa sa pisngi ko. Nalalasahan ko na ang maalat na lasa non at hindi ko na din magawang huminga ng maayos.

It All Started When I Met Him ll Choi Beomgyu ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon