Chapter 1

1.6K 50 7
                                    

Mated
By EyefulAiry



Chapter 1


Take a deep breath Rayne. Siguro naman hindi ito ang unang beses na nakapag-enroll ako right?

Oh Amnesia sucks. It removed my experiences kaya eto ako...kinakabahan sa first time kong pagpasok sa isang university. Basta ang sabi sa akin ay college na raw ako. So...yeah. I am a freshman.

Ngumiti ako sa guard na naka-duty sa isang guard house sa tabi mismo ng gate at saka na pumasok. Unang ginawa ko ay ang i-familiarize ang lugar. May kalakihan kasi kaya baka maligaw ako...mahirap na.

I put out my registration form at tiningnan kung anong section ako. I'm in section I - C sa Educ department. But wait...where's the educ department?

Naglinga ako sa paligid. Nanlumo ako.
Napakaraming building! Which here? Arghhh. I can't be late in my first day and first subject pero kung iisa-isahin ko itong mga building na ito ay for sure kukulangin ang 1 hour kong maagang pagpasok para lang mahanap ang room ko.

Take a deep breath Rayne. You can do this! Think positive lang!

I starts to walk around. Looking for my department. And since maaga pa ay kakaunti pa lang ang mga tao. And some of them are doing their own agendas kaya ang hirap lumapit at magtanong.

Napahinto ako sa paglalakad at animo'y naiwan ang ulo ko sa tinitingnan. Sa likod ng pinasukan kong building ay merong lalaking naka-upo ron sa ugat ng puno.

Agad akong tumalon sa dalawang steps ng hagdan na kinatatayuan ko at nagtungo ron. Sya lang ang nakita kong pwedeng tanungin since sya lang ang walang kasama at walang ginagawa na maaari kong maistorbo.

"Uh...hi." Panimula ko. Naglinga ako sa paligid at wala man lang ni isang tao rito sa likod bukod sa aming dalawa.

Medyo creepy pa kasi wala man lang sinag ng araw ang tumatama rito. Kala mo e other side ng school. Creepy. Humampas ang hangin kaya hinawi ko ang mga hibla ng buhok kong nagsiliparan at yumuko ulit sa lalaki.

"E-excuse me po?"

Tulog ata. Sinilip ko ng bahagya ang mukha nya pero di ko iyon maaninag dahil sa librong hawak nya na nasa mukha nya. Kung tulog ito ay mahuhulog yung libro...o baka may earphones lang?

"Uhm...e-excuse me po—" I freaked out ng bigla itong gumalaw at agarang tumitig sakin.

Shems. Aatakihin ako nito sa puso. Breathe in Rayne tas bukas na mag-exhale. Humarap ako sa kanya but for some reason. Napatigil ako at napatitig sa mukha nya.

Why does he look like a perfect mannequin?

May kakapalang eyebrows that are perfect, amber colored eyes, perfect nose, thin lips na medyo pale pero gwapo pa rin! Strong shape jaws  I can see. At maputla man ang pagkaputi nya...parang iyon pa ang ikinagwapo nya. Lalo tuloy lumutang ang kulay nya dahil naka all black sya. From inner tshirt to jacket hanggang pants at sapatos.

But even so. I am not fond on idolizing men to be honest. Ewan ko pero wala akong interes sa lalaki.

Di kaya.....babae rin ang hanap ko? Oohhhhh myyyy gosh! Sabagay pag babae...hindi ako mabubuntis haha. Tapos maganda, sexy o diba. Baka nga. Baka nga babae ang gusto ko.

Wait Rayne! Cut it out! You're here to ask. Go on!

"Uhm...ehem...p-pwede po magtanong?"

"..........." Eekk. Parang wala syang balak sumagot

Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now