Chapter 13

600 21 4
                                    

Mated
By EyefulAiry



Chapter 13



Nagising ako na halos maligo na ako sa sarili kong pawis.
Agad na inikot ng paningin ko ang kwarto ko. Nawalan na naman ako ng malay and I'm still not getting any better.

Tumayo ako at kumuha ng towel na ibinalot ko sa sarili ko para mawala ang pawis na namuo sa katawan ko. Epekto siguro ito ng lagnat ko. Binuksan ko ang pinto at nagbadyang lumabas ng may babaeng nakatayo roon.

"S-sino ka?" Tumingin lang sya sakin ng may talim sa mata. Her eyes are green and kinda sharp. Napalunok ako ng mapansin ang maputla nyang balat pati na rin ang maliit na pangil na nakalabas sa sulok ng manipis nyang labi. Nakasuot rin sya ng purong itim na damit na para bang kimono ang manggas nito at leather pants na may boots. Mahirap sya ipaliwanag pero para syang damit sa mga fantasy characters. Nakatali ang straight nyang buhok pataas na may ibang hibla ng buhok na nakalaylay sa gilid. She also has black lipstick at makapal na eyeliner.

"B-bampira ka?" At dahil hindi sya sumagot ay para naman akong tanga na naglakas patagilid binabantayan sya baka kasi sakmalin ako habang tuluyang lumalabas ng kwarto ko.

Anong ginagawa nya rito?

Sinusundan nya lang ako ng tingin. My eyes widen up ng iangat nya ang paa nya at iharang sa daraanan ko. Dahilan para mapa-upo ako.

Nakakatakot sya .·´¯'(>▂<)´¯'·.

"Where are you going milady?" Simpleng tanong nito na wala man lang emosyon.

Nanginginig kong itinuro ang baba papunta sa kusina. "S-sa kusina..."

Inalis nya ang paa na nakaharang sa daraanan ko at saka ako tinanguan. Senyas ba yun na pumapayag na syang dumaan ako?

Dahan-dahan akong tumayo habang tinitingnan sya. I took one step at tiningnan kung kikilos sya. She just nod. Hinawakan ko ang towel na nasa katawan ko at parang bata na tumakbo sa kusina.

Nang makarating agad akong kumuha ng tubig at uminom. Naghanap rin ako ng makakain at tulad dati meron na non sa kusina.

Natigil ang akma kong pagsubo ng makita ko syang nakatingin sakin. Naiilang ako sa kanya! Sino ba sya?

Napansin nya siguro ang pagka-uneasy ko sa kanya kaya tumikhim sya."I'm Vaune." Pagpapakilala nya. "I am one of the 6 Dark Commanders of the vampires. Na-assign ako na bantayan ka at siguraduhin na hindi makakalabas ng bahay na ito. Not until your birthday."

6 Dark Commanders? Ano yun? Walang nagbanggit sakin ng tungkol ron. At tsaka ano raw? Bakit bawal ako lumabas!!

"Bakit bawal? At hanggang kelan??? Di ko alam ang birthday ko." Tumagilid ang ulo nya tila nagtataka sa sinabi ko.

"Dapat alam mo ang birthday mo." Sagot nya. "Buweno, kumain ka na milady at may iinumin ka pang mga gamot mo." She step aside at nagulat ako ng may pumasok ron na mga naka-maid outfit. Mga tatlong babae siguro sila.

"Sila ang magaasikaso sayo." Maikling paliwanag nya.

Nasira lahat ng routine ko bigla. Kung dati ay mag-isa lang ako at ako ang nagaasikaso sa sarili ko maliban sa pagkain ay ngayon pati pagligo inaasikaso. Pati pagsuot ng damit ko. Anong nangyayari? I.....I'm kinda confused..

Hindi ko na muna sila inisip at di ko na rin inabala pa ang utak ko na isipin kung ano tong mga ito. Natulog na lang ako matapos kong inumin ang mga gamot ko.

Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now