Chapter 22

384 14 0
                                    

Mated
By EyefulAiry







— CHAPTER 22 —




"Milady Rayne." Nilingon ko si Vaune bilang tugon sa pagtawag nya.


"Lalabas lang ako saglit. Please. Huwag po kayong lalabas ng wala ang tatlong maid o ako." Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"Oo, Vaune." Tipid rin syang ngumiti saka yumuko saglit bago sya lumabas ng silid.

Napabuntong hininga ako.

Asan ka na ba, Alaric? Isang linggo ka ng wala.

Isang linggo na akong mag-isa rito.

Ayoko pa naman dito. Ayoko ng gawi ng tingin sa akin ng mga nandito maliban kay Vaune. Mabait si Vaune. At neutral lang ang pakikitungo nya sakin. Pero yung iba....nagaalangan ako.

Ramdam kong hindi ako ligtas. Sa tuwing naiisipan kong lumabas at may makakasalubong ako na isa sa myembro ng council para nilang pinagaaralan at hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Kung wala si Vaune baka pinagpirapiraso na nila ako. Ganon ako magisip ngayon. I can't help it. I feel like I'm not welcome.

It's just that....I feel safe when Alaric is around even though ganon ang ugali nya. Kahit pa ganon si Alaric, alam ko at ramdam kong mahal nya ako—sinabi nya rin yon!



Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ko. I can't stop thinking of what Larc have said.

'Maybe the council already told Alaric to find another mate to have a child as soon as possible' tandang tanda ko ang eksaktong sinabi nya.

Napahigpit ako ng kapit sa damit ko. Kasabay ang ilang beses na pag-iling.

Hindi. Hindi ako iiwan ni Alaric. Hindi sya maghahanap ng ibang mate. Hindi diba? Hindi!

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagdasal. Hindi ko kakayanin kung sakaling ipagpalit nga ako ni Alaric sa isang babaeng mabilis makapag-produce ng anak para kay Alaric. Hindi sya maghahanap ng ibang mate hindi ba? Sabi nya mahal nya ako. Sinabi nya yon!

Narinig kong bumukas ang pinto. Siguro ay nakabalik na si Vaune, pero hindi ko pa rin inihinto ang pagdarasal. Kahit pa makita nya o magtaka sya.

Please po. Pauwiin niyo na si Alaric. Gusto ko na sya makita. Gusto ko na sya mayakap.

Ramdam kong may namumuong butil na ng luha sa mata ko.

"Milady Rayne. Bumalik ho ako para magpaalam." Tumango tango ako kay Vaune kahit na sigurado akong nakatalikod ako sa kaniya.

All those days that had passed since Larc and I had that conversation lagi lang ako nakatingin rito sa bintana. Hoping that Alaric could sense or see me that I'm waiting here and I want him here.

Narinig ko ang tunog ng pinto. Umalis na si Vaune.

Doon na tumulo ang luha ko. I'm such a crybaby! I always cry so easily everytime I feel this down?

Ganito ba talaga ako?

Please po. Pauwiin niyo na si Alaric please. Pretty please. Promise lahat ng gusto ni Alaric ibibigay ko. Magpapakabait ako. I'll be a good girl. I'll give him son. Lots of it if that's what he wants! Basta pauwiin niyo na syaaa!

Natatakot na ako rito. Feeling ko lalamunin ako ng buhay nung lalaking blonde ang buhok at begote. Tapos si Gena—isang malaking banta kahit pa hindi na sya nagparamdam matapos yung ingkwentro namin.

Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now