Chapter 6

840 34 7
                                    

Mated
By EyefulAiry


— Chapter 6 —

Matapos ang pag-uusap namin nila Dean at Ma'am Serana ay agad din naman na kaming lumabas. 45 minutes before our class starts and here I am walking on the hallway patungo sa classroom. Lily excused herself dahil meron lang daw syang gagawin at susunod na lang.

*boogsh* Nasapo ko ang ilong ko. Araaaay.

"I-I-I-I-I—I'm s-so-sorry p-po. I-I'm s-s-s-so sorry po." Paulit-ulit na pagyukong aniya.

"O-okay lang po yun kuya." Hawak sa ilong kong saad. Sakit. "Kasalanan ko rin hindi ako tumitingin sa daan. Sorry" I smiled at him.

"P-p-pa-pa-pasensya na p-p-po."

"Hindi okay lang talaga." Weird. Bakit grabe naman sya mautal? Is he having hard time talking?

"S-s-sorry p-p-p-po....h-hindi ko p-po....t-talaga si-si-sinasadya—"

"Kuya, okay lang po talaga 'yun. Bakit ka nauutal? Hindi naman po kita isusumpa or something...."

Kumunot ang noo ko ng makitang manlaki ang mga mata nya. "P-pasensya na po!!!" At walang ano-ano ay tumakbo ng pagkabilis. Muntikan pa syang madulas at madapa ng paliko sya sa hagdan.

I feel sudden awkwardness ng mapansin na lahat ng istudyante na narito sa hallway ay sakin nakatingin. It's like they we're watching the whole scene a while ago. Anyways, alam kong malinis ang kalooban ko kaya...hahayaan ko na lang si kuyang nauutal. Hopefully he'll be okay soon.

I was about to walk when I stepped on something that I almost heard it crack. I looked at it, pinulot ko na muna yung ballpen na nasa sahig and luckily hindi yun nasira. And I don't recall having this kind of ballpen kaya siguro ay kay kuyang nauutal to. Hmmm. Ibabalik ko na lang sa kaniya 'to. Importante ang ballpen, your ballpen will be your weapon for success. Pag wala to, then you look like you lose your partner. I'll just wait for Lily sa room then magpapasama ako hanapin si kuyang nauutal.

I quickly made my way to my room. As expected iilan pa lang ang naririto. All of them are minding their own businesses. Agad naman akong nagtungo sa upuan ko at inayos ang desk ko. I looked at everyone and they are all still minding their businesses, I looked at them holding their phones and scrolling onto something that keeps them entertained. Napahalumbaba na lang ako. I don't have a phone....yet. I am planning to buy but I don't know how to choose or kung ano ang magandang phone. Anyways, I'll think about that kapag sapat na naipon ko.

"Lily!!" Agad akong tumayo sa kinauupuanan ko as soon as I saw her entering the room. Di pa man sya nakakaupos sa kinauupuanan nya ng hilain ko sya palabas.

"R-Rayne? Saan tayo pupunta?" Nababakas ang pagtataka sa boses nya.

"Sandali lang tayo, hanapin natin yung nerd na nakabungguan ko kanina. Naiwan nya kasi to." Inilabas ko ang ballpen na nasa bulsa ko at itinutok sa mukha nya. Naduling naman sya kaya agad nyang kinuha yung ballpen at tiningnan iyon.

"S-sigurado ka ba na don to sa nakabungguan mo? Maraming nakakaiwan o nakakahulog ng ballpen sa hallway...."

"Eh sa tingin ko lang naman, kung hindi edi hindi pero kung mahanap natin sya at makumpirma natin na sa kaniya ito edi good thing yun diba?"

"P-pero Rayne....may klase na tayo maya-maya..."

"Matagal pa naman....sige na please..." She gave me a sign. Halatang wala na syang magawa sa kakulitan ko kaya naman nagpatangay na lang sya sakin. Umakyat kami sa hagdan na nakita kong inakyatan ni kuyang nauutal.

Mated | Slow UpdateWhere stories live. Discover now