Chapter 10

682 22 4
                                    

Mated
By EyefulAiry


— Chapter 10 —



Another day. Another headache.

Lately I've been having this pain in my head. Yung sintido ko masaket. Lara bang pinipiga yung utak ko. Tapos kada tayo ko galing pagkaupo o pagkahiga ay parang anytime magbablack out yung paningin ko.

Pero another day has come I need to attend to school. Ma'am Serena told me to.

She sent a letter. Nakita ko sa mail box ng magising ako. She said that I should go to school then sa lunch i-meet ko sya at may sasabihin raw sya.

So here I am. Walking sa hallway. I'm kinda late since late ako nagising sa sakit ng ulo ko. Pero it's enough para makahabol ako para sa next subject ko.

*boogsh* Nasapo ko ang ilong ko. Araaaay.

"I-I-I-I-I—I'm s-so-sorry p-po. I-I'm s-s-s-so sorry po." Paulit-ulit na pagyukong aniya.

"O-okay lang po yun kuya." Hawak sa ilong kong saad. Sakit. "Kasalanan ko rin hindi ako tumitingin sa daan. Sorry" I smiled at him.

"Kuyang nauutal!" I exclaimed ng mamukhaan ko sya.

"P-p-pa-pa-pasensya na p-p-po."

"Hindi okay lang talaga. Haha pangalawang beses na to ah." Akalain mong sa pangalawang pagkakataon ay makakabungguan ko ulit sya? At hindi pa rin sya nagbabago, nauutal pa rin.

Napahawak ako sa ulo bigla as I feel my head spinning. Para akong nahuhulog.

"A-ayos ka lang p-po b-ba?" Nagulat ako dahil nasa bisig na pala ako ni kuyang nauutal. Ni hindi ko namalayan na tumumba na pala ako.

"O-oo....sakit lang ng ulo." Nakaupo ako sa sahig while he's kneeling on the floor guiding me. Nahihilo talaga ako.

*TUNOG NG NAGAGASGAS NA BAGAY*

Napatakip ako sa tenga ko. Sobrang tinis! Ano ba iyon!? Lahat ng tao ay nakatakip sa tenga nila at halos mapaupo na. Ang sakit sa tenga!

Nilingon ko ang pinanggagalingan ng ingay at nakita ko sya. Ginagasgas nya ang kanyang kuko sa bawat salamin na madaanan. And wait what!? Bat ang haba ng kuko nya!?

Huminto sya ng magkatapat na kami kasabay ang pagtigil ng napakatinis na tunog. "How dare you touch her?" Napaangat ako ng tingin sa kanya sa naging tinig nya. Napakabuo at nababakas ang matinding kilabot don.

"I-I-I-I—" Nauutal na naman ang lalaking nakabungguan ko. "SILENCE!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsigaw nya. Bakit sya naninigaw!? Ang daming tao oh.

"I am not giving you permission to speak." Napalunok ang lalaki at animo'y nanlalambot ang mga binti.

"Kuya okay ka lang?" Tanong ko. I heard him growl kaya agad akong napatingin sa kaniya, just to see those pair of amber eyes staring at this guy—angry. "Don't talk to him!!" Sigaw ni niya sa akin ng balingan nya ako ng tingin.

Bakit sya naninigaw??

"E-eh—" Naputol ang sasabihin ko ng agad syang lumapit sa lalaki at sinakal ito. Agad akong naalarma lalo na ng i-angat nya si kuyang nauutal sa ere.

Agad akong tumayo. Andon na naman yung parang magdidilim ang paningin ko at mahihilo pero agad din akong nakabawi.

"A-Alaric—Caleb! Wag mo syang saktan! Ano ba!" Hinawakan ko ang kamay nya. "Why are you stopping me?" He looks at me...no...he's glaring at me. Nahampas ko ang kamay nya dahil unti-unti ng nawawalan ng hininga si kuyang nauutal.

Mated | Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon