Chapter 25

409 11 3
                                    

Mated
By EyefulAiry




— Chapter 25 —

Naging maayos at tahimik ang nga sumunod na araw namin ni Alaric.

He's still the same pero kapansin pansin pa rin ang ilang pagbabago sa kaniya. Mga ugali na ngayon ko lang nakikita sa kaniya. Nakakatuwa sa totoo lang. Parang may haplos sa puso ko at kahit papaano ay may espesyal akong nararamdaman. Yung feeling na parang ang sarap ipagmayabang na ganyan sya sakin. Na may cute sides syang pinapakita sakin at sa iba ay hindi.

Sa mga araw na lagi kaming magkasama nagkaroon ako ng lakas ng loob na magtanong. Tinanong ko kung pwede ba akong pumasok sa school. Isa lang ang isinagot nya.

"No." Malalim at madiin nyang sagot.

"B-bakit hindi?"

Nilingon nya ako at sinagot. "You're pregnant, Rayne." Nanatili akong tahimik umaasang may karugtong pa ang sasabihin nya pero wala.

Iyon lang ang sagot at rason nya. Pwede naman ako magaral habang nagbubuntis? Hindi naman ganoon kahirap siguro iyon?

Gusto kong sabihin sa kaniya iyon but he looks at me with finality.

Fine. It's final then.

Pero hindi naman sumama ang loob ko ron. Para sakin kasi siguro nagiingat lang sya. Isa pa ano nga naman ang sasabihin sakin ng mga kaklase ko? Kung makikita nila akong paunti-unting lumalaki ang tsyan?

Naging ugali ni Alaric laging mahiga kasama ko at ang kanyang mukha ay itinatago sa dibdib ko. At kukunin nya pa ang kamay ko at ipapatong sa ulo nya. Hudyat para suklayin ko ang buhok nya at ipat ko ang ulo niya.

At wala pang ilang minuto ay mararamdaman ko na ang pagtigil ng hininga nya. A sign that he's already sleeping.

Daig ko pa ang na-bedridden dahil halos maghapon na lang kaming tulog ni Alaric. Kain at pagtulog lang ang ginagawa ko. Baka tumaba ako nito ng husto.

I think hindi pa naman.

Nakatayo ako sa salamin ngayon habang tinitingnan ang sarili. Hinahapit ko pa ang damit ko para makita kung gaano ako kapayat o kataba. As I see okay pa naman. Payat pa rin naman ako at may hubog pa rin.

Napatigil lang ako sa ginagawa ko ng makita ko ang amber eyes nyang titig na titig sakin through the mirror.

Tumugon ako sa tingin nya. Wala syang damit pang-itaas at tanging pants lang ang suot. Nasasanay na ako na makita ang katawan nya. Madalas....este, lagi na kasi syang nakatopless magmula ng magstay kami rito sa mansion—na kaniya pala. All along kanya pala itong mansion na tinutuluyan ko.

And that information gave lots and lots of questions in my head. Mas lalong dumagdag sa mga katanungan ko tungkol sa pagkatao ko. Tungkol lahat-lahat sakin. Paanong nangyari andito ako sa mansion nya magmula ng magising?

Ngayon mas lumalakas ang kutob ko na magkakilala na kami matagal na. Ano kaya ang naging dahilan ng aksidente ko ano? At bakit ako naaksidente?

Naputol lang ang pag-iisip ko ng maramdaman ko ang kamay nya sa bewang ko paikot sa tummy ko. He is also sniffing my neck from behind that brought me back to present. Ni hindi ko man lang napansin ang paglapit nya.

"Too many thoughts, mahal." Kumento nya sa mismong leeg ko.

"Sorry. Nabibigyan ba kita ng headache?" Pagtukoy ko sa pagiging madaldal ko sa isip ko.

"A little. But I might die if I won't be hearing you." Aniya at dinampian ng ilang halik ang leeg ko. That gave me a tickling feeling.

Ngumiti ako sa kanya ng magtama ang tingin namin sa salamin. Blangko pa rin ang tingin nya pero his actions are enough para makita at malaman ko ang positibong tugon nya sa pagngiti ko.

Mated | Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon